Kamusta kayong lahat mga kaibigan? Narito ulit ako maghahatid ng isang kwento, Na kapupulutan ng aral at leksyon sa buhay. tunghayan natin ang storya ng babaeng nag alaga ng isang tuta. Subalit matutuklasan niya na isa pa lng mabangis na lobo ang kanyang inalagaan. Ano Kaya ang naging ganti nito sa kanya, ng malaman nya na hindi pala ito pangkaraniwang aso. Kaya alamin natin lahat yan sa ating pagpapatuloy na tiyak magbibigay ng aral at inspirasyon.
Ang kwentong ito ay nagmula sa isang liblib na lugar sa bansang Russia. Isang matandang babae na nagngangalang Ana. Na mag isang naninirahan sa kanyang maliit na tahanan sapagkat ang asawa niya ay matagal ng namaalam sa mundo. Ang mga anak nmn nya ay may sarili ng pamilya. Ang tanging kasama na lamang nya ay ang alagang pusa.
Ang mag alaga ng mga hayop, at manuod ng mga palabas sa telibisyon ang kanyang libangan.
Isang araw meron isang lalaki ang napadpad sa kanilang lugar upang mangaso ng mababangis na hayop. Habang sya ay naglalakad nakita nya ang bagong silang na anak ng asong lobo. Na payat na payat at nanghihina dahil sa gutom. Dala ng awa nya dto, ay kinuha niya ito at inilagay sa kanyang bag para sya na lamang ang mag alaga nito.
Sa pagkakataong iyon ay nagpasya na siyang umuwi ng bahay at napadaan sya sa isang bahay. Na kung saan, nakatira ang matandang babae. Kaya nmn kinuha niya ang isang tuta mula sa kanyang bag at inilagay sa loob ng bakuran. Dahil alam nya na mahilig ito mag alaga ng mga hayop.
Kinaumagahan laking gulat ng matandang babae ng makita nya ang isang tuta at buong akala niya ay isa lang itong pangkaraniwang aso.
Dala ng awa nya dito ay kinuha niya ito para sya na lamang ang mag alaga nito. At isa pa ay magkakaroon na sya ng kasama maliban sa kanyang alagang pusa.
Napansin niya na paralisa ang mga paa nito at hirap ito makalakad. Kaya nmn ginagamot niya ito at nilagyan ng benda ang sugat nito.
Lumaki ang asong lobo na mabait at nakikipaglaro din ito sa kanyang alagang pusa. At binigyan niya ito ng pangalang mesha. Naging masunurin naman ito at mabait.
Habang sya ay nasa grocery store, Sa hindi nya inaasahan, natuklasan nya na isang mabangis na lobo pala ang kanyang inalagaan.
Na buong akala niya ay isa lng itong pangkaraniwang aso. Ng sya ay tanungin ng babaeng kahira tungkol sa asong lobo. Sapagkat ang kanyang mga kapitbahay ay alam nito na mayroon isang mangangaso na nag iwan ng isang asong lobo sa loob ng kanyang bakuran. Kaya pala hindi tumahol iyon ay kakaiba ang itsura sapagkat isa pala siyang lobo.
Ng matuklasan nya ay hindi sya papayag na ibigay niya ito kaninoman. Sapagkat sa loob ng apat na buwan na pag aalaga nya, ay napamahal na sya dto at minsan nmn ay kasa kasama nya ito sa kanyang pag alis. Na para bang isang pangkaraniwang aso.
Naiiwan nya rin ito sa kanilang bahay ng mag isa at hind rin nya ito itinatali. Kaya Malaya ang asong lobo na makaalis saan man nya gustuhin. Ang kanilang bahay ay nasa gilid lamang ng kagubatan at malayo sa mga kapitbahay kaya kailangan nya ng kasama. At kapag naiiwan mag isa ang asong lobo ay hinid sya umaalis ng bahay at matiyaga lng syang naghihinatay na makauwi ang kanyang amo. At sinasalubong ng buong kasiyahan.
Ilang mga taon nyang nakasama ang lobo at hindi madali para sa kanya ang magpakain. Sapagkat patuloy ito sa paglaki dahil umaasa lamang sya sa kanyang pension.
Kaya nmn kung ano ang pagkain nya sa pang araw araw ay gayun din ang pagkain ng kanyang alagang lobo.
Isang gabi tatlong kalalakihan ang bagong takas sa bilangguan ang nagtago sa kagubatan. Kaya nmn binalaan sila ng mga utoridad na mag ingat sa gabing iyon.
Habang ang matanda ay walang kaalam alam at nanunuod ng mga palabas. Ang kanyang alagang lobo at pusa lamang ang kanyang kasama sa mga oras na iyon.
Ilang minuto ang makalipas nakarinig sila ng mga katok sa pintuan. Ang asong lobo nmn ay naging alerto sa mga oras na iyon.
Binuksan ng matanda ang pintuan sa pag aakalang kapitbahay lamang nila iyon. Ng mabuksan niya ito ay isang malakas na hampas ang tumama sa kanyang mukha na nagpabagsak sa kawawang matanda. At nawalan sya ng Malay.
Tatlong mga kriminal ang sumalakay sa kanyang bahay, subalit laking gulat ng mga ito ng makitang sumulpot sa kanilang harapan ang galit na galit na asong lobo.
Ng akmang babarilin sya ng isa sa mga kriminal ay mabilis na sinugod sya ng lobo at walang awang sinakmal. kaya nabitawan nya ang hawak na baril.
Ang dalawa nmn nyang mga kasma ay agad nagsitakbuhan dala ng takot nito. At hinabol sila ng galit na galit na asong lobo. Nakagat ng lobo ang dalawang mga kriminal dahil sa tindi ng galit nito. At agad syang tumakbo pabalik patungo sa kanyang amo.
Napansin nya na wla itong malay kaya nmn dinilaan nya ang mukha ng kanyang amo.
Ilang minuto ang lumipas nagising na ito at muling nagka malay. Niyakap nmn sya ng matanda sa pagligtas sa kanyang buhay. At hind nya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Ang isa sa mga kriminal nmn ay naroon pa, binaril nya ang lobo at tumama sa kaliwang mga paa niya. Buti nlng hind malubha ang tinamo niyang pinsala.
Sa pagkakataong iyon ay nagsitakbuhan ang kanilang mga kapitbahay patungo sa kanila. Ng marinig nila ang putok ng baril. Kaya ang isang kriminal ay muling nahuli ng mga utoridad at muling hihimas ng rehas sa kulungan. Habang ang dalawang kriminal nmn ay sugatan at nakatakbo sa kalapit n bayan, subalit muli rin silang nahuli ng mga utoridad at hind nagtagumpay sa tangkang pagtakas.
Ang lobo nmn ay sugatan sa kabilang bahagi ng kanyang mga paa, kaya nmn nilagyan niya Ito ng benda at ginamot.
Makalipas ang ilang mga buwan, gumaling na ang asong lobo sa tinamong sugat at masayain n ulit Ito at nakikipaglaro. Dahil sa pangyayaring iyon ang lobo ay nag iingat na sa mga tao sapagkat ang mga tao ang mas Nakakatakot na mga nilalang. Kaya ang kwentong ito ay isang magandang halimbawa na hindi lahat ng mga hayop ay nagpapakahayop dahil ang iba ay nagpapakatao. At ang Ilan sa mga tao nmn ay nagpapakahayop.