ANG PINAKA MATALINO AT KINAKATAKUTANG LOBO SA KASAYSAYAN

Isa ang lobo sa maituturing na mabangis na hayop, Subalit Gaya natin ay marunong din silang umibig at masaktan, kaya sa kwentong ito tunghayan natin ang storya ng Pag iibigan Ng magkasintahan na asong lobo. Na ang tanging hadlang lamang sa kanila ay ang mga hunter na gusto Silang mabihag at paslangin. May forever nga Kaya sa dalawang mga nilalang na Ito? Sapagkat ipinapapatay sila at pinaghahanap ng mga hunter? Ano Kaya ang dahilan bakit matinde ang galit sa kanila? At ano nga ba ang matutuklasan ng magaling na hunter tungkol sa matalinong lobo, na nagpabago sa kanyang pananaw at sya ay nagbagong buhay. Kaya alamin natin lahat yan sa ating pagpapatuloy na tiyak magbibigay ng Aral at inspirasyon.

Isa ang lobo sa maituturing na mabangis na hayop, Subalit gaya natin ay marunong din silang umibig at masaktan. kaya sa kwentong ito tunghayan natin ang storya ng pag iibigan ng magkasintahan na asong lobo. Na ang tanging hadlang lamang sa kanila ay ang mga hunter na gusto dilang mabihag at paslangin. May forever nga kaya sa dalawang mga nilalang na ito? Sapagkat ipinapapatay sila at pinaghahanap ng mga hunter? Ano Kaya ang dahilan bakit matindi ang galit sa kanila? At ano nga ba ang matutuklasan ng magaling na hunter tungkol sa matalinong lobo, na nagpabago sa kanyang pananaw at sya ay nagbagong buhay. Kaya alamin natin lahat yan sa ating pagpapatuloy na tiyak magbibigay ng Aral at inspirasyon.

Taong 19 hundred sa hilagang Mexico, Isang gropo ng lobo ang tinaguriang disaster ng mga Rancho. Na pinangungunahan ng kanilang leader na si grey. Naging sikat si grey sa bayang iyon sapagkat sya at ang gropo nya ang nagpapatumba sa  mga alagang baka at tupa ng mga pastol. Kaya nmn naging target sila ng mga hunter. Sapagkat matindi na ang ginawa nilang pinsala. Subalit ni isa sa mga gropo ni grey ay hindi nila mabihag. kaya isa sila sa mga tinaguriang pinakamatalinong lobo sa kasaysayan.

Ang nagmamay ari ng mga Rancho sa kanilang lugar ay nalalagasan ng isang baka kada araw. Kung kaya naman ganun nlng katindi ang galit ng mga pastol sa gropo ni grey, hanggang sa umabot sa dalawang libo na mga baka ang pinatumba ng mga lobo sa loob ng apat na taon.

At isang araw 250 na mga tupa ang pinaslang ng kanilang gropo, na dahilan na magkawatak watak ang mga tupa.

Sa pangyayaring iyon dalawang pastol ang nagising dahil sa pag atake ng mga lobo. Kaya nmn hinanap sila ng kanilang mga pastol, subalit wla ng buhay ang mga tupa ng kanilang matagpuan ito. At ang iba nmn ay nakatakas na at nakawala.

Naging malaking pasakit sa mga nagmamay ari ng Rancho ang pangyayaring iyon. Kaya nmn gumawa ang mga pastol ng bitag ng sa gayun ay ma trap ang mga lobo. Subalit alam ni grey na lider ng gropo kung may panganib sa isang lugar Kaya hinid sila mabihag.

Hanggang sa sumuko nlng ang mga pastol dahil wlang napala ang ginawa nilang mga bitag. At nagpasya sila na magbayad ng reward sa sinumang makakapatay kay grey at sa kanyang gropo. Subalit ni isa man sa mga magagaling na hunter ay walang nagtatagumpay na mabihag si grey o ni isa man sa kanila. Kaya simula noon ang reward sa ulo ni grey ay tumaas at umabot sa 1000 dollars, Kaya nmn dumagsa ang mga hunter na nag uunahan na makapatay sa lobo, At isang hunter na mula Texas na nagngangalang Tenere ang tumanggap sa nasabing hamon. Pinaghandaan nya ng husto ang pag hunting kay grey, Isa siya sa mga magagaling na hunter, Kaya nmn may tiwala sya sa sarili na hindi sya mapapahiya.

Isang araw, nakita nya ang lobong si grey sa di kalayuan.

Gamit ang kanyang baril ay tiniktikan niya ito at nakipag tuos siya sa lobo, subalit nabigo siyang matamaan ito. At Gumogol sya ng halos dalawang buwan sa pakikipag pagsagupa kay grey. At Nagawa na nya ang lahat ng diskarte, Mga karne na nilagyan nya ng lason at dalawang daan na mga trap. Subalit sa kanyang pakiramdaman ay ang lahat ng iyon ay walang kabuluhan. Sapagkat hind nya mahuli ito, Napaka talino ni grey higit pa sa kanyang inaakala. Hanggang sa, siya ay sumuko nlng at napagtanto nya na hindi pala ganun kadaling mabihag si grey. At isang pastol ang may matindi ang galit kay grey, Sapagkat ang kanyang mga alagang baka at tupa ay unti unti ng nauubos ng mga lobo. Kaya nmn nag hire sya ng isa sa mga pinaka mahusay na hunter n nagngangalang Ernest Seton thumpson. Nangako si Seton sa kanya na kaya niyang ubusin ang gropo ni grey sa loob lamang ng dalawang lingo. Subalit ang pakikipag sagupa niya sa mga lobo ay umabot na ng halos apat n buwan.

Naikot nya rin ang teretoryo ng mga lobo sakay ng kanyang kabayo. Subalit Napagod lng siya at nabigo. Hanggang sa nawawalan na siya ng pag asa na mabihag ang lobo. Kaya nmn gumawa sya ng ibang mga diskarte, Gamit ang mga karne n may lason ay ginawa niyang pain sa bitag. Subalit ang karne na may lason ay naaamoy ng lobo, na may bakas ito ng tao. Dahilan na ang karne ng baka at wlang lason ang kanilang kinakain na sya mismo ang umatake. Maging ang mga bitag ay matagumpay niyang nalulusutan.

Hanggang sa nagsama na sya ng dalawa pang mangangaso. Siya at ang dalawa niyang mga kasama ay gumawa ng bitag sa loob ng isang lingo. Subalit nakikita ito ni Grey at hinuhukay nya ang paligid nito para makita ng mga kasama niyang lobo na may bitag sa lugar na iyon.

Isang araw habang si Seton ay pababa ng bundok, umagaw sa kanya ng pansin ang mga yapak ng lobo na si Grey. At napag alaman niya na may kasama pa itong isang lobo. Kaya nmn napagtanto nya na, iyon ay ang lobong kasintahan ni Grey, Ng dahil doon ay nakaisip ng panibagong diskarte si seton kung paano mabibihag si grey. Dahil natuklasan niyang may nobya ito, At alam nya na ang babae ang kahinaan ng lalaki. Kaya nmn gumawa sya ng anim na mga bitag na nakapalibot sa karne.

Doon nya inilatag kung saan madalas tumambay ang nobya ni grey.

Kinabukasan pinuntahan ni Seton ang bitag, At isang lobo ang na trap, un ay ang nobya ni Grey na si Blanca. Napakangandang lobo at kulay puti. Nakatingin siya kay Seton na nagmamakaawa at humihinge ng tulong. Ilang minuto ang makalipas, dumating nmn ang nobyo ni Blanca na si Grey. Subalit nagtago sya sa likod ng puno ng sa gayun ay ay hindi sya makita ni Seton.

Habang tanaw nya si Blanca. Ilang minuto ang makalipas kitang kita ni Grey kung paano pinaslang ni Seton ang kanyang pinakamamahal na nobya, binaril ni Seton sa ulo si Blanca hanggang sa bawian ito ng buhay. Walang magawa si grey sa mga oras na iyon, gusto niyang sugurin si Seton subalit wla siyang kalaban laban sapagkat may hawak itong baril. Pakiramdaman nya ay pinagsakloban sya ng langit at lupa.

Pagkatapos noon ay dinala ni Seton si Blanca sa kanyang Rancho. Sinusundan ni Grey se Seton kung saan dala nya ang bihag na si Blanca. Ginawang pain ni Seton Si Blanca ng sa gayun ay mabihag nya ang nobyo nito. At ito lang ang natitira niyang paraan para magtagumpay. Habang tanaw ni grey si Blanca ay isang nakakadurog puso na pag alolong ang kanyang pinakawalan. Nawala sa isipan nya ang pag iingat simula ng mawala sa buhay nya si Blanca. Na naging dahilan na sya ay ma trap sa mga bitag ni Seton.

Sinubukan nya ang makawala at lumaban. subalit, wla siyang kakayanin, at unti unti na siyang nauubusan ng lakas. Para siyang kandila na unti unti ng nauupos, Aat isang malakas na pag alolong ang kanyang pinakawalan.

Tumatawag siya ng tulong mula sa kanyang gropo subalit wala ang mga ito. At hinagisan siya ng lubid ni Seton, na itinali sa kanyang liig ng sa gayun ay hindi na makawala pa ang kawawang lobo.

Habang nakatali ang lobo ay pinagmamasdan nya ang wlang buhay na si Blanca. Itinabi ni Seton si Blanca Kay Grey ng sa gayun ay makasama nya pa ito hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay.

Bago iwanan ni Seton si Grey ay binigyan nya muna ito ng makakain at tubig. Dahil wla siyang plano na paslangin ito. Dahil ang gusto nya ay pagdusahan nya ang ginawa niyang mga kasalanan.

Dalawang  araw ang makalipas binalikan ni Seton ang lobo. Subalit wla na itong buhay katabi ng kanyang nobya na si Blanca, hind ito kumain at hind rin uminom ng tubig. At may mga sugat ito sa katawan dala ng kanyang pakikipag kaban. Sobrang nalungkot ang lobo sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na si Blanca. Na naging dahilan na sya ay bawian ng buhay.

Na antig nmn si Seton sa ginawa ng lobo, dahil sa walang katulad na pagmamahal nya kay Blanca. Ang malakas n lobo ay gaya ng isang lion na naubusan ng lakas, Isang Agila na nawalan ng kalayaan. At isang tao na nawalan ng pinakamamahal. Simula noon ay hind na sya ng hunting ng mga lobo at nagtatag sya ng kampanya na protektahan Ang mga mababangis na hayop, dahil gaya natin ay kailangan din nila ng kalayaan.