Ating kilalanin ang dalawang bida sa kwentong ito na nag ngangalang Rona at Carlo. High school pa lamang sila ay matalik na silang magkaibigan maganda ang dalaga maputi at makinis ang mga balat na para bang isang anghel na nahulog mula sa langit, Kaya nmn siya ang pinapangarap ng binata na makasama at maihatid sa altar.
Isang araw, habang masayang nag uusap ang dalawang magkaibigan, Ganitong mga kataga ang binitawan ng binata.
"Sampung taon mula ngaun kapag hindi mo pa nahahanap ang forever mo papakasalan mo ba ako? Tanong niya sa dalaga,"
"At Sumagot nmn Ito ng, Oo ba, nakangiting sagot ng dalaga."
"Talaga ba? Muling tanong ng binata."
"Oo nmn Pangako, sagot muli ng dalaga."
Kaya nmn sobrang saya ng binata ng mga oras n iyon.
Sa pagkakataong iyon, kumuha ang binata ng isang notebook at pinagtibay ang Pangako nila Sa isat isa. Sa pamamagitan ng pirma ng dalaga.
At Matapos ang graduation nila ay may kanya kanya na silang tinatahak na landas at mga pangarap.
Lumuwas ang binata ng maynila para maghanap trabaho. Ang dalaga nmn ay nanatili sa kanilang probinsya upang doon mamasukan.
At Makalipas ang walong taon nakatangap ang binata ng isang tawag. kaya nmn nagmamadali siyang nagtungo sa lugar na iyon.
Isang magandang binibini ang kanyang nadatnan sa hospital na iyon. Na nagtatangkang wakasan ang buhay nito.
Ang dalaga na iyon, ay ang kanyang matalik na kaibigan na ngangalang Rona. Buti na lang nandon ang binata na dumamay sa dalaga. Siya ang naging balikat at iyakan ng dalaga sa mga oras na iyon.
At Makalipas ang Ilang mga buwan nailigtas muli ng binata ang buhay ng dalaga sa muli nitong tangkang pagpapakamatay. Sapagkat sa mga panahong iyon, pagod na ang dalaga, puro pasakit at kabiguan na lamang ang kanyang nararanasan, at iniiwan siya ng mga lalaking iniibig, at niloloko lng sya ng mga ito. Kaya gusto na nyang wakasan ang kanyang buhay.
Subalit palaging nandyan sa tabi niya ang binata na handang dumamay sa kanya at makinig sa mga hinaing nito. At makikita mo ang tibay at determinasyon ng binata, Na talaga nmng kukurot sa puso mo kung gaano siya katatag para s dalaga. na kahit paulit ulit sinasaktan ang dalaga sa mga nagiging nobyo nito, ay palaging nandyan ang binata para magpawi ng kanyang mga luha.
Nasa tabi niya palagi ang binata para lamang mailigtas ang buhay ng dalaga. At makikita mo na sobrang mahal niya ang dalaga, na hindi kayang banggitin ng mga salita. Na kahit walang kasiguraduhan ang binata sa puso ng dalaga, ay handa siyang sumagal para rito. At hindi umaasa na masusuklian ang kanyang pagmamamhal. sapagkat may iba itong mahal, at siya ay taga buo lng, taga buo lng, pag wasak ang puso ng dalaga. "Isa lang siyang back up plan, plan b ika nga, takbuhan ng sugatang puso."
Makalipas ang 5 buwan muling nailigtas ng binata ang dalaga sa tangkang pagpapakamatay. Wasak at durog na durog muli ang puso ng dalaga sa mga oras na iyon. Parang wlang hanggang katapusan na kabiguan ika nga.
Sa mga panahong iyon, pagod na ang dalaga sa mga ungas na mapanakit sa kanyang puso. Kaya pumapasok sa isipan nya ang mga salitang, "ayaw ko ng mabuhay sa mundo".
Sapagkat halos lahat ng mga lalaking iniibig niya ay niloloko lng siya ng mga ito at ipinagpapalit sa malapit, Subalit ang pagmamamhal ng binata sa kanya, ay hindi niya nakikita ang halaga nito. ganun pa man umaasa pa rin ang binata, na matatauhan ang dalaga sa kanyang kahibangan sa mga lalaking ungas, at maibabaling ang atensyon nito sa kanya.
Na kahit paulit ulit niyang ipa alala sa dalaga. ang ganitong mga kataga, tanggapin mo na ang katutuhanan na walang ibang nagmamahal sayo, kundi ako lng. Ako lng ang totoong nagmamanhal sayo. At Kapag nasasaktan ka, mas lalo akong nasasaktan, Sambit ng binata.
Makalipas ang sampung taon, Ang panahon na pinakahihintay ng binata. ang pangako nila Sa isat isa, kaya nmn sobrang excited ng binata sa mga oras na iyon. Sapagkat ito na ang panahon ang katurapan ng kanyang pinakahihintay. Ang mapa sa kamay niya ang dalaga.
Subalit isang liham ang muli niyang Matutuklasan, Kung Saan naroon ang dalaga, ang Babaeng pinakamamahal at hinintay ng mahabang panahon, ay gusto muling wakasan ang buhay nito.
Kaya nmn dali daling tumakbo ang kawawang binata para muling hanapin at iligtas ang dalaga, sa tiyak na kapahamakan.
Sa mga oras na iyon ay nadatnan niya ang dalaga, na gusto ng Tapusin ang buhay nito.
At Isang kataga ang binitawan ng dalaga.Walang Totoong nagmamahal sa akin, Ayaw ko ng mabuhay pa sa mundo.
"Sambit niya sa binata habang Patuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha."
"Kaya nmn, ganitong mga kataga ang binitawan ng binata, Naaalala mo pa pb? ang napag kasunduan natin, na sampung taon ang makalipas ay magpapakasal tayo. Tingnan mo ito, Ang Pangako natin sa isat isa na pinagtibay ng iyong pirma. Diba ito ang tunay na pagmamahal? sambit ng binata.
Isang notebook na hawak ng binata, na kung saan nakasulat ang pangako nila sa isat isa.
Sa narinig ng dalaga, ay laking gulat niya sapagkat nasa harapan na niya ang binatang naging parte pala ng kanyang buhay.
Nag flashback sa dalaga ang kanyang mga binitawang pangako sampung taon na ang nakalilipas. Subalit isang Maikseng sagot ang dumurog sa puso ng binata, na para siyang pinagsakloban ng langit at lupa.
"Patawad, isang kasinungalingan lang ang lahat ng iyon, biro ko lamang iyon, tugon ng dalaga. kasabay nito isang lalaki ang biglang sumulpot na nagmula sa kanilang likuran, at iyon ay ang lalaking ungas na mapanakit sa puso ng dalaga. Subalit sa huli, ito pa rin ang pinili ng dalaga, At Hindi niya nakita ang halaga ng binata na siyang tunay n nagmamahal.
Naiwan na lamang ang binata na durog ang puso, at mga luha na nag uunahan sa pag agos, nasayang lang ang sampung taon na kanyang paghihintay sa dalaga.