INA; IPINAAMPON ANG ANAK MAKALIPAS ANG 20 YEARS NAGIMBAL SYA SA NATUKLASAN

Itinakwil siya ng pamilya ng malaman na buntis Ito, At kalaunan ay iniwan ng nobyo sapagkat gusto niyang takasan ang responsibilidad bilang Ama. At ng dahil doon ay naging palaboy siya, Kaya nanaisin nya na ipaampon ang Anak, para mabago ang buhay nito. Makalipas ang 20 years nag krus ang kanilang mga landas at ito ang sumunod na nangyari...

Magandang umaga Ms. Karla, "ito si Joan, siya ang mag-aampon sa iyong bagong silang na sanggol."

"Iiwan ko muna kayong dalawa upang magkakilala kayo, Wika ni Samantha."

"Kamusta? babalik nalang ako kung hindi kapa handa. "Sambit nmn ni Joan."

Si Joan kasi ang napili ni Karla para mag ampon sa kanyang Anak.

Napakahirap ipamigay ang aking anak, mahal na mahal kita anak, kung Kaya lng kita bigyan ng magandang buhay hindi kita ipapamigay. Patawad anak sa gagawin ko. Bulong ni Karla sa sarili at hindi nya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha, habang karga karga ang napacute at mala Anghel na sanggol.

"Hindi mo na kailangan gawin ito, Kung nagbago ang isip mo."

"Naiintindihan kita, At alam ko kung gaano kasakit sa pakiramdam ang mawalan ng anak, Sambit ni Joan".

"Salamat, ngunit kailangan kong gawin ito,"

"Pinalayas ako ng sarili kong mga magulang ng malaman nila na buntis ako, Ang nobyo ko nmn ay hindi na nagpakita pa. Nung malaman nya na nagda dalang tao ako.

"Iniwan nya kaming mag ina, Walang wla akong pera at bahay na matitirhan, Kaya nmn kung kani kanino lng ako nakikituloy. Gusto kong panatilihin sa tabi ko ang aming anak, ngunit ang nobyo ko ay hindi nya kayang panindigan ang resposibilidad bilang Ama. kaya nmn, iniwan niya ako at nawala ang lahat na mayroon kami.

"Naging palaboy ako habang nagdadalang tao, at hindi ko alam kung paano ako makakaraos sa araw araw na pamumuhay, Ang mag-isa na aalagaan ang aking magiging anak.

"Nadudurog ang puso ko kapag naiisip ko ang aking anak na titira sa kalye na maging kagaya ko.

Upang mabigyan ng magandang buhay ang anak ko ay ipa- pa ampon ko na lamang sya sayo, ng sa gayon ay magkaroon siya ng magandang buhay.

"Kaya kailangan kong gawin ito, mangiyak ngiyak habang kausap si Joan na nakahanda ng ampunin ang anak niya."

"Wala kang katulad Karla, napakabuti ng puso mo kaya sisiguraduhin ko na malalaman ito ng anak mo kung gaano kalaki ang sakrepisyo na ginawa mo sa iyong Anak. Sambit ni Joan."

Sa mga oras na iyon ay ibinigay nya ang kanyang anak Kay Joan kasama ang isang pares ng kwentas, na magpapaalala sa kanyang Ina.

Lumaki si Richard na kapiling ang bagong pamilya, na mabait at mapagmahal na mga magulang, pinag aral sya hanggang sa makapag tapos ng pag aaral at nagkaroon ng magandang buhay. May sariling kotse at nakatagpo na rin ng pag ibig sa katauhan ni Rona, Nasa kanya na ang lahat at wala ng hahapin pa.

Gayun pa man ay nangungulila sya sa kanyang tunay na Ina. At Ang tanging ala ala na lamang nya ay ang kwentas. Sapagkat ang kaparis nito ay nasa kanyang Ina. Maingat niya itong inaalagaan at itinatabi sapagkat ito na lamang ang nag sisilbi niyang ala ala.

Makalipas ang dalawampung taon, habang nasa kalye at namamalimos ng makakain ang Ina ni Richard, kitang kita sa kanyang itsura na napabayaan na nya ng husto ang kanyang sarili mula ng iwan ng nobyo at ipaampon ang anak. Kaya nmn masasabi ko na, "two much love will kill you." un bang, parang unti unti kang pinapatay sa sugat at sakit na dulot ng pag ibig. Sapagkat ng dahil sa pag ibig ay naging palaboy si Karla. Kaya Simula noon ay napabayaan niya ng husto ang kanyang sarili.

Subalit, Isang araw habang nakaupo si Karla sa gilid ng kalsada.

Wala siyang ibang iniisip kundi ang kanyang anak, namimis niya ito at gusto nya itong makita at mayakap, kahit man lng, isang saglit.

Sa mga oras na iyon ay pumatak ang kanyang mga luha na kanina pa gustong mag unahan sa Pag agos.

"Kaya nmn, Sa kanyang pangungulila at kalungkutan, hindi nya napigilan ang sarili na kunin ang kwentas mula sa kanyang bulsa, na iningatan niya ng mahabang panahon, at ito nlng ang meron sya. Na nagsisilbing ala ala sa kanyang Anak, na naging Ina sya kahit na sa sandaling panahon. Walang araw na hindi nya iniisip ang kanyang Anak. At umaasa na mag ko krus ang kanilang landas.

"Ilang sandali ang lumipas isang boses ng lalaki ang umagaw sa kanya ng pansin, na nagmula sa kanyang harapan.

" kamusta? Ayos ka lang ba? Sambit ng lalaki.

"hindi ako ayos, nilalamig ako at nagugutom.Ilang araw na akong hindi kumakain, at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko."

"Huwag kang mag-alala  dahil tutulungan kita, at ihahatid kita sa bahay.

"Sambit muli ng lalaki."

"hindi kita maintindihan. "bakit, sino ka? tugon nmn ng  babae.

"Mayroon  isang batang lalaki na pinaampon ng kanyang Ina, at nagkaroon siya ng isang magandang buhay, kasama ang kanyang bagong Ina at Pamilya. kahit na inalagaan siya nito, Palagi niyang pinapaalala sa kanya na meron siyang totoong Ina na siyang nagluwal sa kanya at malaki ang sakrepisyo niya sa batang iyon. Ni kwento sa kanya ng kanyang bagong Ina na ang lahat ng pinagdaanan ng kanyang totoong Ina, At Hindi nya ginusto na ipaampon ang kanyang anak. At kahit wala siyang bahay na matitirhan at nagdadalang tao ay kailangan niyang panatilihin siya, At sa pagtanda ng batang iyon ay hindi niya nakalimutan ang tungkol sa kanyang Ina na siyang nagluwal sa kanya, at ang mga sakrepisyo na ginawa niya.

"Kahit na, hindi pa niya ito nakikita at nakikilala, mahal niya ito at hindi siya sumuko.

"kaya nmn, dahil hindi ka sumuko sa batang iyon ay hindi ka din nya sinukuan. At ang batang iyon ay ako."

Hinahanap kita sa mga kalsada at kalye gabi-gabi, hinahanap ang kapares ng kwentas na ito.

Sabay abot nya sa isang pares ng kwentas.

"Ako ito si Richard ang iyong Anak."

Hindi ako sumuko sa paghahanap sayo dahil hindi mo ako sinukuan. At ngaun natagpuan na kita. Hindi na tayo magkakahiwalay pa.

Sa pag kakataong Iyon ay hindi nila mapigilan ang pagpatak ng mga luha. At niyakap nila ng mahigpit ang isa’t isa.

Hindi makapaniwla si Karla na nasa harapan pla nya ang anak na matagal na niyang gustong makita at mayakap.

"Handa ka na bang umuwi, Ma? Sambit ni Richard sa Ina."

"Oo anak," tugon nya.

"Simula noon ay hindi na sila nagkahiwalay pa, At magkasama silang umuwi ng bahay."

"Namuhay sila ng masaya, kapiling ang isa't isa. Kaya kong mahal natin ang isang tao ay huwag natin sukuan.

Ang hindi pagsuko ang siyang nagpapatunay na mahal natin sya at mahalaga sya sa buhay natin.