LALAKING NAGIMBAL SA NATUKLASAN SA BABAENG INIIBIG 20 YEARS ANG MAKALIPAS

Kamusta ulit mga kaibigan? narito na nmn ako magbabahagi ng isang kwento ito ay tungkol sa dalawang taong Pinagtagpo, Ngunit, sila nga ba ay itinadhana? Dahil, kailangan iwanan ng lalaki ang babae sa loob ng 20 years para lamang magtrabaho sa malayong lugar at tuparin ang mga pangarap. Kaya, alamin natin lahat yan mula umpisa hanggang sa dulo ng storyang ito na tiyak maghahalo ang iyong mga imosyon.

Ating kilalanin ang dalawang bida sa kwentong ito. Ang lalaking ito ay mahirap lamang kaya hindi niya kayang tustusan ang pangagailangan ng binubuo niyang pamilya. kaya nmn, kailangan niya ang magtrabaho sa malayong bayan para sa pamilya at sa mga pangarap. At ito lamang ang nag iisa niyang kahilingan para sa kanyang minamahal.

"Pakiusap hintayin mo ako, maging tapat ka sa akin dahil tapat ako sayo, hintayin mo ang aking pagbabalik para ipagpatuloy ang mga pangarap natin."

At ganito lamang ang naging sagot ng babae sa kanya. Sige honey papayagan kitang umalis, alam kung mamimis kita at hahanapin kita, at alam kung ilang taon pa ang hihintayin ko makasama lang kitang muli, pero kaya kung maghintay kahit gaano pa katagal, dahil mahal na mahal kita, tugon ng babae.

huwag kang magpapadala sa akin ng pera, dagdag pa nito, dahil ayaw kung isturbuhin ka. Mag ipon ka ng pera para sa kinabukasan natin, para sa pagbabalik mo maninirahan tayo ng masaya kasama ang mga magiging anak natin. Ako nmn, magpapatuloy ako ng pag tatrabaho dito sa atin. Kahit maliit lng ang kita.

Kaya nmn ang nobyo ng babaeng ito, ay nagsimula ng maghanap ng trabaho. Naglakad lamang ito ng ilang mga araw, hanggang sa makakita siya ng isang farm owner, na nangangailangan ng magsasaka.

Bago siya magsimulang magtrabaho, Kinausap niya ang may ari nito sa kundisyon na gusto niya. Hayaan mo akong magtrabaho sa iyo ng mahabang panahon hanggang sa gusto ko, hindi ko kukunin ang sasahurin ko, nakikiiusap ako sayo, na itabi mo lng ito, hanggang sa aking pag uwi at ibigay mo sa akin ng buo, bigyan mo lng ako ng makakain sa pang araw araw.

Naging maayos nmn ang kasunduan ng dalawang ito,  Ang lalaking ito ay nagtrabaho sa loob ng 20 years ng walang day off.

At dumating na nga ang panahon na gusto na niyang umuwi. Sa haba ng panahon na kanyang pag ta trabaho. Sobrang namimis na niya ang kanyang nobya. Kaya nmn pinuntahan niya ang kanyang amo at sinabi nito, kailangan ko na pong umuwi, ibigay niyo po sa akin ang lahat ng perang kinita ko sa loob ng mahabang panahon, na pagtatrabaho ko sayo.

"Meron tayong kasunduan at pinanghahawakan ko iyon, tugon ng kanyang amo," Bago ka umalis meron akong tatlong alok sa iyo, sa halip na pera may alok ako sayo na tatlong payo. Pag nagbigay ako sayo ng pera hindi mo makukuha ang tatlong payo ko para sa iyo. Pag nagbigay nmn ako sa iyo ng payo hindi mo makukuha ang pera na pinaghirapan mo ng mahabang panahon.

"Ngaun pumunta ka sa iyong silid at pag isipan mong mabuti kung alin sa dalawa ang pipiliin mo? Ang lalaking ito ay nag isip sa loob ng dalawang araw. At kanya nga napag desisyonan ang alok na kanyang napili. Kaya naman pinuntahan niya ang kanyang Amo at sinabi nito. Ang pinipili ko ay ang tatlong payo. At muli siyang binalaan ng kanyang amo. kung ibibigay ko sa iyo ang tatlong payo, hindi kita bibigyan ng pera. Kung ibibigay ko nmn sa iyo ang pera, hindi mo makukuha ang tatlong payo ko para sa iyo, Ngunit ipinilit ng lalaki ang kanyang kagustuhan. At ito ay Ang tatlong payo. Una huwag kang tumingin sa madaling paraan sapagkat magbibigay lng ito sa iyo ng masamang kapalaran. Pangalawa huwag kang mang usisa kasi minsan ay humahantong ito ng kamatayan. Pangatlo huwag kang magdesisyon pag sobrang galit ka, dahil maaring pagsisihan mo ito at maging huli na ang lahat. Pagkatapos nito ibinigay ng kanyang Amo ang tatlong peraso ng tinapay sa kanya. Ang dalawa ay baon mo ito sa iyong paglalakbay at ang isa nmn ay para sa iyong nobya pagkauwi mo ng bahay.

kaya nmn makalipas ang 20 years na pag tatrabaho muli na niyang makikita at makakasama ang kanyang pinakamamahal na nobya. sa unang araw na kanyang paglalakad, nakasalubong niya ang isang di kilalang lalaki, at ang sabi nito, Saan ka papunta? Pauwi na po ako sa amin, tugon niya, kaya lng sobrang layo pa ng lalakarin ko bago ako makarating, at muling sumagot ang lalaki, sa kabilang daraanan ka dumaan, ang daan na iyon ay mas malapit ng apat na beses sa iyong paroroonan, kaya nmn doon siya dumaan kung saan mapapapibilis ang kanyang paglalakbay.

Habang naglalakad bigla niyang naalala ang unang payo para sa kanya. At pagkalampas sa isang maliit na bayan, nakakita siya ng isang taong nakaabang, marahil ito ay holdaper. kaya nmn hindi siya nagpatuloy sa paglalakad, buti nlng nakakita siya ng isang bahay, at doon siya nagpahinga hanggang siya ay makatulog.

Maya maya lamang, bigla siyang nagising sa isang malakas na sigaw, kaya nmn bigla siyang napatayo para alamin ang nangyayari. Sa pagkakataong ito, bigla niyang naalala ang pangalawang payo para sa kanya. kya nmn, hinayaan na lamang niya ito at muling bumalik sa kanyang pagtulog.

Kinaumagahan ang tagapangasiwa ng bahay na ito, ay tinanong siya nito. Narinig mo ba ang malakas na sigaw kagabi? Tanong nito sa kanya, At sandali silang nagka kwentuhan, Sabay sabi nito, na niligtas nito ang buhay mo, ang isa sa mga kapitbahay namin dito at sira ulo palaging sumisigaw pagsapit ng gabi, ng sa gayun makaagaw ng attention sa mga tao. Pag meron isang di kilalang tao ang pumuponta sa may kalsada ay sinusubukan niya itong patayin.

Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad sapagkat malayo layo pa ang kanyang lalakbayin. Ilang oras ang makalipas nakarating na siya sa kanilang maliit na tahanan. Habang papalapit siya sa kanyang paglalakad. nakita niya sa labas ng bintana na ang kanyang nobya ay meron itong kayakap na isang binata, kaya nmn hindi niya mapigilan ang sarili, ang sobrang galit na nararamdaman. Kailangan niyang malaman ang kasagutan kung ano ang ginagawa ng dalawang taong iyon. Pero napag isip isip niya, na kailangan niyang pakalmahin ang sarili, na baka kung ano pa ang kanyang magawa sa dalawang taong ito.

Kaya nmn sa labas ng bahay na lamang siya natulog at nagpalipas ng umaga. Kinaumagahan dito na sya naglakas loob para kausapin ang kanyang nobya. Sa labas pa lamang ng pintuan,  ay agad siyang sinalubong ng kanyang nobya nung makita siya nito. At saka niyakap ng mahigpit, sabay halik ng mariin sa kanyang mga labi. Ngunit, ang lalaking ito ay sinusubukan ang umatras at kumuwala sa yakap ng babae. Subalit hindi siya makaalis, sapagkat mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya, sa pagkakataong iyon biglang tumulo ang mga luha ng lalaki. sabay sabi, naging tapat ako sayo pero niloko mo lng ako, pasigaw na sambit nito habang umiiyak.

Kaya naman biglang nagulat ang babae sa narinig mula sa kanya. Paano kita niloko? hindi kita niloko? hihintay kita sa loob ng 20 years, dahil mahal na mahal kita, tugon ng babae.

"At sumagot ang lalaki, E sino ung lalaking kayakap mo kagabi?

Ano ba ang sinasabi mo? Tugon nmn ng babae.

Ang batang iyon ay anak natin, Noong umalis ka, doon ko lng nalaman na buntis pla ako ng mga panahon na iyon. 20 years old na siya ngaun. Biglang napalitan ng tuwa ang kanyang nararamdaman ng marinig niya ito mula sa kanyang nobya, at kasabay nito muling pumatak ang kanyang mga luha. At malaki ang pasasalamat niya sa mga payo na ibinigay sa kanya ng kanyang Amo. At humingi siya ng kapatawaran mula sa kanyang pinakamamahal na nobya.

Sa pagkakataong iyon, naupo sa mesa ang babae, at kanya nmng kinuha ang nag iisang tinapay na para sa kanyang nobya.

Pagkahiwa niya dito, laking gulat nila, ng tumambad sa kanila ang baryang mga ginto na mas malaki pa ang halaga, kesa sa kanyang sweldo sa loob ng 20 years na pagtatrabaho.

Kaya masasabi ko na talagang may forever, dahil darating din yan. Malay mo pinagtagpo nga kayo pero sa akin ka pala itinadhana haha.