MAHIRAP NA LALAKI UMIBIG SA ISANG MAGANDA AT MAYAMANG BABAE; MAGUGILAT KA SA SUSUNOD NA MANGYAYARI

Ating kilalanin ang dalawang bida sa kwentong ito, na itago natin sa pangalang Rose at Ronnie. Si Rose ay napakagandang babae, na para bang isang bulaklak na namumukadkad sa ganda. Kulay asul ang kanyang mga mata, at mga labi na kay tami's hangkan, balingkinitan ang katawan, na mapapa wow! ka talaga sa sobrang sexy at ganda nito. At mala porselanang mga kutis.

Si Ronnie nmn ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Matangkad ito, moreno, makisig, at may angking kapogian ang binata. Maraming beses na siyang nabigo, umibig at lumuha, umibig ulit at lumuha na nmn, Parang walang hanggang katapusan na pagpatak ng mga luha. Ika nga.

Subalit marami siyang mga pangarap sa buhay, isa nga rito ay ang mabihag ang puso ng dalaga. Masipag na binata si Ronnie, mabait at higit sa lahat mapagmahal, handang ibigay ang lahat sa kanyang iniibig.

Isang araw habang nasa dating tagpuan ang dalawa, naglalakad sa may dalampasigan at minamasdan ang mga alon sa dagat. Sobrang saya ng kanilang bawat sandali, na para bang ayaw mong matapos ang buong araw kasi gusto mo pang makasama ang taong minamahal mo.

Sobrang saya ng kanilang nararamdaman, na para bang lumulutang ka sa mga ulap at idinuduyan sa hangin.

Minsan naman ay nasa ilalim sila ng malaking puno, nakatingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga bituin. Sabay nangangarap na sana ay ikaw na nga, ang aking itininadhana bulong ng lalaki sa sarili.

Ilang mga minuto ang lumipas biglang napalitan ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Na kanina lng ay sobrang saya ng kanilang kwentuhan. kaya nmn biglang napatayo mula sa pagkakaupo ang dalaga, at bigla nmn hinawakan ng binata ang malambot na mga kamay ng dalaga, pagkatapos ay lumuhod sa harapan niya, Sabay sabi ang mga katagang, "I love you with all my heart and soul," at dumukot sa kanyang bulsa at iniabot sa dalaga ang isang engagement ring. At ganitong mga kataga ang sinabi nya sa dalaga.

"WILL YOU BE MY WIFE? Biglang napatigil ang dalaga at hindi halos makapagsalita, na para bang hindi makapaniwala sa nangyayari. 

Sabay ulit ng binata, WILL YOU MARRY ME? Oo nmn, tugon ng dalaga, kasabay nito ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga, na buong akala niya ay isang panaginip lng ang lahat. At biglang napayakap ang dalaga sa binata ng buong higpit, At naglapat ang kanilang mga labi. 

Makalipas ang Ilang mga taon kailangan iwanan ng binata ang dalaga, para sa kanilang mga pangarap, kaya nmn nagpa alam siya sa dalaga na kailangan niya magtrabaho sa ibang bansa. Na kahit ang totoo, sobrang mamimis niya ito. mamimis niya sapagkat alam niya na matatagalan pa ang kanilang muling pagkikita. Ang kanilang mga tawanan, at mga kwentuhan na kahit minsan ay walang kwentang mga bagay.

Napuno ng lungkot ang kanilang paghihiway. At nangako sila sa isa't isa na walang bibitaw sa kanilang mga pangako, na magsasama sila hanggang dulo.

Ilang mga buwan ang lumipas, ang ating bida na si Rose habang Pauwi ito, galing ng trabaho sakay ng kanyang kotse, nabangga ito ng isang truck na naging dahilan ng pagkadurog ng kanyang sasakyan at agad siyang isinugod ng hospital, Ilang mga araw din bago nagising ang dalaga mula sa pagka koma.

Makalipas ang isang lingo, nabalot ng takot at pangamba ang naramdaman ng dalaga sapagkat sa kanyang paggising, nakita niyang umiiyak ang kanyang mga magulang na dapat sana ay matuwa ito. Hanggang sa madiskobre niya ng pagtingin niya sa salamin, parang pinagsakloban siya ng langit at lupa sa kanyang nakita. Sapagkat ang mala diyosang mukha ay napalitan ng nakakapanlumong itsura. Na damage ang ibang bahagi ng kanyang utak at naapiktuhan ang mga nerves na Naka konekta sa kanyang mukha na naging dahilan para siya ay pumangit.

Binalot sya ng takot, lungkot at pangamba, hindi siya makalabas ng bahay ng Ilang mga buwan, at nagkukulong na lamang sa apat na sulok ng kwarto.

Sa mga panahong iyon palaging tumatawag ang kanyang nobyo. Namimis na siya ng binata, at gustong marinig ang mala anghel na boses ng dalaga. Pero hindi niya ito sinasagot, sapagkat buo na ang desisyon niya na makipaghiwalay sa binata. Sapagkat hindi na ako ang dating ako.

"Hindi na ako maganda, ang pangit ko na sobra," bulong ng dalaga sa sarili. Sobrang mahal niya ang binata pero kailangan niyang gawin ito. Ang makipaghiwalay sa binata. masakit sa pakiramdaman para sa kanya, sobrang sakit, parang unti unti siyang pinapatay sa sinapit ng kanyang buhay.Pero kailangan niya ang magpakatatag, at harapin ang hamon ng buhay ng mag isa.

Dalawang taon ang makalipas, nagulat ang dalaga sa narinig mula sa kanyang Ina. Pinuntahan siya sa kanyang kwarto, sabay sabing, Nasa labas ng Pintuan si Ronnie hinahanap ka bulong nito Kay Rose.

"Ikakasal na siya at inaabot sa dalaga ang hawak na wedding invitation card."

Biglang nadurog ang puso ng dalaga ng malaman niyang ikakasal na ito. Dahil hanggang ngaun ay mahal pa rin niya ang binata. Agad nmn niyang binuksan ang weeding invitation card.

Halo halong mga imosyon ang nasa dibdib ng dalaga, subalit laking gulat niya ng mabasa ang kanyang pangalan sa wedding invitation. Sa pagkakataong iyon biglang pumasok ang binata sa kanyang kwarto na may hawak na bulaklak. lumuhod ito sa harapan niya at sabay sabi will you Marry me?

Biglang pumatak ang mga luha ng dalaga ng marinig niya ito Mula sa binata, Na agad naman siyang niyakap ng binata, sabay halik ng mariin sa kanyang mga labi.

Makalipas ang isang taon, nauwi na sa dambana ang pag iibigan nilang dalawa. Kaya mapapa Slsana all ka nlng talaga, at sasabihin mo sa iyong sarili na, Sana lahat ng pinagtagpo ay itinadhana. Kasi ako pinagtagpo na tayo, pero sa iba ka pla itinadhana.

At Ito lng ang nasasabihan ko, ang tunay na pag ibig, hindi kailanman kukupas, kumupas man ang kagandahan ng ating minamahal.