NOBYA NAGIMBAL SA NATUKLASAN SA LALAKING INIIBIG; ANG NAKAKAGULAT NA PAGHIHIGANTI NIYA SA ARAW NG KANILANG KASAL

Ang kasal ay isa sa mga pinapangarap ng bawat tao sa buong mundo, at pinaka hihintay ng dalawang taong nag iibigan. Na maging ala-ala at katibayan ng kanilang pagmamahalan, na masarap balik balikan ika nga. Ngunit Sa kwentong ito alamin natin ang storya, Ang paghihinganti ng bride sa kanyang groom sa araw mismo ng kanilang kasal. Ng matuklasan niyang niloloko siya nito, Kaya alamin natin lahat yan sa ating pagpapatuloy na tiyak magbibigay ng aral at leksyon sa buhay.

Kapag tayo ay nagpakasal sa isang tao, pumapasok tayo sa bagong yugto ng buhay, At halo halong mga imosyon ang pumapasok sa ating isipan, At walang katulad na kaligayahan ang mararanasan ng sinoman. Puno ng kaba at takot na mararamdaman. Sapagkat ito na ang huling araw na magpapaaalam kana sa pagiging single. At Magiging isa na kayo ng taong pinakamamahal mo, Ang taong pinili mong makasama habang buhay. Na makakasama mo sa hirap at ginhawa, ika nga.

Kaya, ating kilalanin ang dalawang bida sa kwentong ito, Ang babaeng ito ay itago natin sa pangalang Ana, anim na taon na silang magkasintahan ng kanyang nobyo na itago natin sa pangalang Dave. At walang dahilan para iwanan niya ang binata, sapagkat ipinapakita sa kanya kung gaano siya nito kamahal, kung gaano siya kahalaga sa buhay ng lalaking kanyang iniibig. Ramdam niya na mahal na mahal siya ng lalaki at ganun din nmn Si Ana sobrang mahal niya ang binata.

At lumipas pa ang ilang mga buwan, alam nila sa isat isa na mauuwi sa altar ang kanilang pag iibigan. Gaya nga ng isang linya, bakit pa patatagalin kung sa simbahan lang din nmn ang tuloy.

Kaya nmn nung nag propose sa kanya ang binata ay agad niya itong sinagot ng walang pag aalinlangan. Sapagkat mahal niya ang binata at walang dahilan para tanggihan niya ito. Kaya nmn nung matapos ang kaganapang iyon. Pinaghandaan nila ng husto ang nalalapit nilang pag iisang dibdib. Excited ang kani kanilang pamilya sa nalalapit nilang kasalan. At maging ang mga malalapit nilang mga kaibigan at mga kamag anak ay dadalo sa kanilang kasal.

Pero minsan talaga kahit gaano niyo pa kamahal ang isat isa, ung inaaakala mong kilala mo na ng lubusan ang taong iniibig mo, may nakatago pala itong inililihim. Sapagkat isang gabi, bago ang araw ng kanilang kasal ay para siyang pinagsakloban ng langit at lupa sa kanyang matutuklasan mula sa kanyang groom. Na kahit sino nmn ay mag uumapaw sa galit ang iyong mararamdaman sa mga eksinang ito. Subalit mapalad pa rin siya sapagkat natuklasan niya na hindi pa sila kasal.

Isang gabi habang nasa isang hotel si Ana kasama ang mga kaibigan. Naka tanggap siya ng isang text messages mula sa isang hindi kilalang numero. kaya nmn binuksan niya ito at binasa ang mga text messages dito, Na may halong pagtataka sa kanyang isipan at kinakabahan habang binabasa ang mga minsahe.

At ito ang kanyang nabasa, Ikakasal na ako sa kanya, ikaw ba? At nasundan pa ito ng mga larawan ni Dave kasama ang ibang babae na naglalambingan. At screenshots ng mga palitan ng mga text messages ni Dave at ng babae nito. Ito ay malinaw na niloloko siya ng kanyang fiance, nakikipag kita pa ito sa ibang babae at may relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa.

Ang mga litrato ni Dave at ng babae nito ay talaga nmng sobrang sakit sa dalaga. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa kanyang nakita.

Hindi siya makapaniwala, na sa loob ng anim na taong nilang pagiging magkasintahan ay magagawa pang lolokohin siya nito. Ang taong pinakamamahal niya pa, Ang taong pinag katiwalaan niya pa, Ang mananakit sa puso ng dalaga. Kaya nmn sobrang nadurog ang puso ni Ana, at hindi niya mapigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha.

Buong gabi siyang hindi makatulog sa pangyayaring iyon, buti na lang nasa tabi niya ang kanyang mga kaibigan na nagpawi ng kanyang mga luha. Na e kwento ni Ana sa kanyang mga kaibigan ang pang yayaring iyon. Ang ginawang panloloko ng kanyang fiance.

Pinayuhan siya na tawagan na lamang si Dave at e pa kansel ang kanilang kasal. Subalit hindi siya basta basta na lamang papayag na e kansela ang kasal ng ganun lang. Masyado ng huli ang lahat. Gusto niyang maghiganti sapagkat sinaktan siya nito ng sobra. Kung e pa kansel niya ang kasal ay siya ang talunan.

Gumastos na ng malaki ang kanyang pamilya at ang mga kaibigan niya, at ang ibang mga dadalo ay nanggaling pa sa malalayong lugar. Kung kakanselahin ang kasal ay masyadong unfair. At ang lahat ay bayad na, Ilang oras nlng ay magaganap na ang engranding seremonya.

Hindi siya makatulog sa gabing iyon ang nasa isipan niya ay si Dave. Ang kanilang mga magagandang alala, na para bang nag flash back sa dalaga. Mahal pa rin niya ang binata pero alam niya sa sarili niya na hinding hindi na niya pakakasalan ito. Sinabi niya sa kanyang mga kaibigan na ang kanilang kasal ay tuloy pa rin.Subalit siya lamang ang nakakaalam sa kanyang binabalak na paghihinganti sa araw ng kanilang kasal. Kung paano siya makakaresbak kay Dave.

Kinaumagahan isinuot n ni Ana ang kanyang wedding gown. At ngaun niya ibubunyag kong ano ang tunay na pagpakatao ni Dave.

Dumalo siya sa Wedding ceremony na may ngite sa kanyang mga labi,  na kahit ang totoo ay hindi na kaya, at sobrang nasasaktan na.

Subalit walang sinoman ang makakapagsabi na sobrang nasaktan ang dalaga. Sapagkat napakaganda pa rin ng dalaga habang suot ang wedding gown. Na para bang isang Prinsesa, habang lumalakad siya sa red carpet at humahakbang ng papalapit sa kanyang Groom, Galit at poot ang nasa puso ng dalaga, Subalit walang sinoman ang nakakaalam nito. Habang nakatayo siya sa harap ni Dave, lumingon siya sa kanyang mga kaibigan at pamilya bago nagsalita, at napa buntong hininga.

"Sabay binitawan ang mga salitang."

"Wala ng kasalang magaganap sa araw na nito!!

Nagulat ang kanyang pamilya at mga bisita sa kanilang narinig at napuno ng katahimikan ang lahat.

"Hindi siya ang Dave na dating Kilala ko! pasigaw na sambit ni Ana. Kaya nmn nagimbal si Dave sa narinig mula sa kanyang fiance at napahawak ito sa kanyang kamay. At napansin niya ang hawak na cellphone ng dalaga.

Binasa ni Ana ng malakas ang mga text messages ni Dave mula sa ibang babae. Ang kanilang palitan ng usapan, ang ginawang panloloko ni Dave kay Ana.

Sa pagkakataong iyon, hinihintay pa niya ito na huminge ng kapatawaran sa kanya. Subalit umalis lamang ito ng walang binitawan na mga salita.

Sobrang kahihiyan ang dinanas ni Dave mula sa mga binitawang salita ni Ana.

Sa mga oras na iyon, ganitong mga kataga ang sinabi niya sa mga bisita.

"Mahal ko kayong lahat, tuloy pa rin ang wedding reception.

"Finding true love and following your hearts even when it hurts sambit pa ni Ana."

Masakit man ang naging karanasan ni Ana hindi pa rin siya nagpatalo ng imosyon. Hindi siya umalis ng wedding party, kasama ang pamilya at mga kaibigan. At nakipag sayaw siya kasama ang mga kaibigan na may ngite sa kanyang mga labi.