PAGMAMAHAL MAGING BUHAY KO MAN ANG MAGING KAPALIT

Habang pauwi si Jasmin, naipit sya sa gitna ng rambulan. Ng dalawang groupo ng mga gang. Sa tagpong iyon, isang makisig na binata na nag ngangalang Ronnie ang nagligtas sa kanya, na agad nmn hinawakan ng binata ang mga kamay ng dalaga at tumakbo ng papalayo, ng sa gayun ay matakasan ang mga ito. At dito na  nagsimula ang kwento, ng dalawang mga nilalang n ito. At pakiramdam ng dalaga ay ligtas siya sa mga braso ng binata. Sa pag kakataong iyon, ay agad nmn na Kinuha ng binata ang number ng dalaga.

Simula noon ay naging madalas na ang kanilang pagkikita, at dahil pareho nmn sila may pag tingin sa isat isa, ay naging magkasintahan ang dalawa.

Maganda ang dalaga, maputi, makinis ang mga balat at balingkinitan ang katawan. Na talaga namang jackpot ang binata na daig pa ang nanalo sa lotto. At Habang masayang nag uusap ang dalawang magkasintahan, ay dumating nmn ang Ama ng dalaga na nag ngangalang Jayson, upang sunduin ang kanyang anak.

Ilang mga araw ang makalipas habang naglalakad ang binata, kasama ng mga tropa nito. Ay agad na sinalubong siya ng kanyang nobya na may iniabot sa kanya na isang regalo, sapagkat monthsarry nila ng araw na iyon. Ganun niya ka mahal ang binata, gaya nga ng isang linya, pag mahal mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat para sa ikasasaya nito.

Sa madalas nila na pag kikita ng dalaga, ay Natiktikan Ito ng kanyang Ama.

Sa kasamaang palad ay tutol ang ama ng dalaga sa kanilang pag iibigan. At pilit silang pinaghihiwalay ng binata.

"hiwalayan mo na!, ang hampas lupa na lalaki n iyon!                           "pasigaw na sambit ng kanyang ama.

Tahimik lamang ang dalaga at hindi makasagot sa mga oras n iyon. mahirap lng kasi ang kanyang nobyo, at gusto ng kanyang ama ay isang mayaman din na gaya nila ang mapangasawa ng kanilang anak.

Gayun pa man kahit may isang malaking hadlang sa kanilang pag iibigan. handa parin ang dalaga na ipaglaban ang kanyang pagmamahal sa binata at walang sinuman ang makakahadlang nito. Ganun din nmn ang binata, handang ipaglaban ang kanyang pagmamahal para sa dalaga, at handa niyang patunayan ito.

Nagpatuloy pa rin ang pag kikita ng dalawang magkasintahan. Hanggang sa isang araw, ay nalaman ito ng kanyang Ama. At ganitong mga maaanghang na salita ang binitawan ng kanyang Ama.

"Diba sinasabi ko sayo!, noon pa man, na hiwalayan mo na ang hampas lupa na iyon!" dahil wala kang mapapala sa lalaki na yon.

Ano ang ipapakain niya sayo? hindi ka mabubuhay ng puro pagmamahal lng!" Pagalit na sambit ng kanyang ama.

"Mahal ko sya, maikseng tugon ng dalaga, Habang pumapatak ang kanyang mga luha. At isang malakas na sampal ang iginante ng kanyang Ama sa kawawang dalaga.

"Paghandaan mo ang iyong engagement sa susunod na buwan muling sambit ng kanyang ama. Saka iniwan ang dalaga na patuloy ang pag agos ng mga luha.

"Kaya nmn, pagkatapos ng pang yayaring iyon. Nakipagkita Siya sa binata. At sinimulan nilang bumuo ng sariling pamilya.

Naging maayos nmn ang kanilang pag sasama na puno ng saya at Pag mamahal.

Subalit isang malaking Pag subok ang kailangan nilang harapin at malampasan. Ipinapahanap ng mga utoridad ang dalaga sa utos ng kanyang Ama, at nais ipapatay ang binata, at pinaratangan ito ng kidnapping sa kanilang Anak.

Isang araw habang naghahanda ng makakain ang dalaga ay nahilo ito, Na naging dahilan na bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay.

"Kaya nmn, agad siyang isinugod ng hospital ng binata. Pakiramdam ng binata ay pinagsakloban sya ng langit at lupa, para sa kanyang pinakamamahal na nobya.

Sa mga oras na iyon ay galit at poot nmn ang nasa puso ng ni Jayson. Sa tindi ng galit nito ay isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa binata.

Subalit walang kinakatakutan ang binata, at handa niyang patunayan sa ama ng dalaga, na tapat at totoo ang kanyang Pag ibig sa anak nito.

Pagkalabas niya ng hospital, habang naglalakad ang binata ay hinarang siya ng mga armadong lalaki at pinagbabaril, na tumama nmn sa katawan ng kawawang binata.

"Sakto namang may nakakita sa pangyayaring iyon at agad naisugod ng ospital ang binata, dalidali itong dinala sa emergency Room para mabigyan ng agarang lunas. dahil puno na ang mga silid sa ospital, ay sakto namang doon sya naipwesto sa silid ng babae nyang pinakamamahal."

"Kaya nmn, laking gulat ng dalaga, sapagkat sa kanyang pag gising ay nasa tabi niya ang binata na walang malay at nag aagaw buhay. Kaya nmn bumuhos ang mga luha ng dalaga ng mga oras na iyon. Hindi siya makapaniwla na magagawa iyon ng kanyang ama, Ang ipapatay ang binata. Buti nlng hindi matindi ang tinamong pinsala ng binata.

Sa kasamaang palad ay hindi pa ito makapagsalita ng mga oras na iyon.

"Kaya nmn, walang magawa ang dalaga kundi ang hawakan ang mga kamay ng binata, at ibulong sa hangin ang mga salitang.

"Pakiusap, huwag mo akong iwan, diba sabi mo, may mga pangarap pa tayo at bubuo pa tayo ng isang masayang pamilya, At magsasama Habang buhay".

Makalipas ang dalawang buwan nakalabas na ng hospital ang binata gayun din nmn ang dalaga,  at muling itinuloy ang kanilang Pag iibigan na muntik ng humantong sa wala.

At nag pasya na rin silang mag isang dibdib.

Makalipas ang dalawang taon ay nagbunga na ang kanilang pag iibigan ng isang kambal na anak.

At huminge nmn ng kapatawaran sa kanilang dalawa, ang ama ng dalaga sa nagawa nitong pagkakamali. At Napag tanto nya, na ang tunay na pag ibig ay pantay pantay at wlang pinipili, magkaiba man ng istado ng buhay ay hindi ito hadlang para sa dalawang taong nag iibigan.