Real Stories, Be inform & be inspire

Mga kwentong sumasalamin sa totoong buhay na magbibigay ng Aral at inspirasyon.

INA; IPINAAMPON ANG ANAK MAKALIPAS ANG 20 YEARS NAGIMBAL SYA SA NATUKLASAN

Itinakwil siya ng pamilya ng malaman na buntis Ito, At kalaunan ay iniwan ng nobyo sapagkat gusto niyang takasan ang responsibilidad bilang Ama. At ng dahil doon ay naging palaboy siya, Kaya nanaisin nya na ipaampon ang Anak, para mabago ang buhay nito. Makalipas ang 20 years nag krus ang kanilang mga landas at ito ang sumunod na nangyari...

Magandang umaga Ms. Karla, "ito si Joan, siya ang mag-aampon sa iyong bagong silang na sanggol."

"Iiwan ko muna kayong dalawa upang magkakilala kayo, Wika ni Samantha."

"Kamusta? babalik nalang ako kung hindi kapa handa. "Sambit nmn ni Joan."

Si Joan kasi ang napili ni Karla para mag ampon sa kanyang Anak.

Napakahirap ipamigay ang aking anak, mahal na mahal kita anak, kung Kaya lng kita bigyan ng magandang buhay hindi kita ipapamigay. Patawad anak sa gagawin ko. Bulong ni Karla sa sarili at hindi nya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha, habang karga karga ang napacute at mala Anghel na sanggol.

"Hindi mo na kailangan gawin ito, Kung nagbago ang isip mo."

"Naiintindihan kita, At alam ko kung gaano kasakit sa pakiramdam ang mawalan ng anak, Sambit ni Joan".

"Salamat, ngunit kailangan kong gawin ito,"

"Pinalayas ako ng sarili kong mga magulang ng malaman nila na buntis ako, Ang nobyo ko nmn ay hindi na nagpakita pa. Nung malaman nya na nagda dalang tao ako.

"Iniwan nya kaming mag ina, Walang wla akong pera at bahay na matitirhan, Kaya nmn kung kani kanino lng ako nakikituloy. Gusto kong panatilihin sa tabi ko ang aming anak, ngunit ang nobyo ko ay hindi nya kayang panindigan ang resposibilidad bilang Ama. kaya nmn, iniwan niya ako at nawala ang lahat na mayroon kami.

"Naging palaboy ako habang nagdadalang tao, at hindi ko alam kung paano ako makakaraos sa araw araw na pamumuhay, Ang mag-isa na aalagaan ang aking magiging anak.

"Nadudurog ang puso ko kapag naiisip ko ang aking anak na titira sa kalye na maging kagaya ko.

Upang mabigyan ng magandang buhay ang anak ko ay ipa- pa ampon ko na lamang sya sayo, ng sa gayon ay magkaroon siya ng magandang buhay.

"Kaya kailangan kong gawin ito, mangiyak ngiyak habang kausap si Joan na nakahanda ng ampunin ang anak niya."

"Wala kang katulad Karla, napakabuti ng puso mo kaya sisiguraduhin ko na malalaman ito ng anak mo kung gaano kalaki ang sakrepisyo na ginawa mo sa iyong Anak. Sambit ni Joan."

Sa mga oras na iyon ay ibinigay nya ang kanyang anak Kay Joan kasama ang isang pares ng kwentas, na magpapaalala sa kanyang Ina.

Lumaki si Richard na kapiling ang bagong pamilya, na mabait at mapagmahal na mga magulang, pinag aral sya hanggang sa makapag tapos ng pag aaral at nagkaroon ng magandang buhay. May sariling kotse at nakatagpo na rin ng pag ibig sa katauhan ni Rona, Nasa kanya na ang lahat at wala ng hahapin pa.

Gayun pa man ay nangungulila sya sa kanyang tunay na Ina. At Ang tanging ala ala na lamang nya ay ang kwentas. Sapagkat ang kaparis nito ay nasa kanyang Ina. Maingat niya itong inaalagaan at itinatabi sapagkat ito na lamang ang nag sisilbi niyang ala ala.

Makalipas ang dalawampung taon, habang nasa kalye at namamalimos ng makakain ang Ina ni Richard, kitang kita sa kanyang itsura na napabayaan na nya ng husto ang kanyang sarili mula ng iwan ng nobyo at ipaampon ang anak. Kaya nmn masasabi ko na, "two much love will kill you." un bang, parang unti unti kang pinapatay sa sugat at sakit na dulot ng pag ibig. Sapagkat ng dahil sa pag ibig ay naging palaboy si Karla. Kaya Simula noon ay napabayaan niya ng husto ang kanyang sarili.

Subalit, Isang araw habang nakaupo si Karla sa gilid ng kalsada.

Wala siyang ibang iniisip kundi ang kanyang anak, namimis niya ito at gusto nya itong makita at mayakap, kahit man lng, isang saglit.

Sa mga oras na iyon ay pumatak ang kanyang mga luha na kanina pa gustong mag unahan sa Pag agos.

"Kaya nmn, Sa kanyang pangungulila at kalungkutan, hindi nya napigilan ang sarili na kunin ang kwentas mula sa kanyang bulsa, na iningatan niya ng mahabang panahon, at ito nlng ang meron sya. Na nagsisilbing ala ala sa kanyang Anak, na naging Ina sya kahit na sa sandaling panahon. Walang araw na hindi nya iniisip ang kanyang Anak. At umaasa na mag ko krus ang kanilang landas.

"Ilang sandali ang lumipas isang boses ng lalaki ang umagaw sa kanya ng pansin, na nagmula sa kanyang harapan.

" kamusta? Ayos ka lang ba? Sambit ng lalaki.

"hindi ako ayos, nilalamig ako at nagugutom.Ilang araw na akong hindi kumakain, at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko."

"Huwag kang mag-alala  dahil tutulungan kita, at ihahatid kita sa bahay.

"Sambit muli ng lalaki."

"hindi kita maintindihan. "bakit, sino ka? tugon nmn ng  babae.

"Mayroon  isang batang lalaki na pinaampon ng kanyang Ina, at nagkaroon siya ng isang magandang buhay, kasama ang kanyang bagong Ina at Pamilya. kahit na inalagaan siya nito, Palagi niyang pinapaalala sa kanya na meron siyang totoong Ina na siyang nagluwal sa kanya at malaki ang sakrepisyo niya sa batang iyon. Ni kwento sa kanya ng kanyang bagong Ina na ang lahat ng pinagdaanan ng kanyang totoong Ina, At Hindi nya ginusto na ipaampon ang kanyang anak. At kahit wala siyang bahay na matitirhan at nagdadalang tao ay kailangan niyang panatilihin siya, At sa pagtanda ng batang iyon ay hindi niya nakalimutan ang tungkol sa kanyang Ina na siyang nagluwal sa kanya, at ang mga sakrepisyo na ginawa niya.

"Kahit na, hindi pa niya ito nakikita at nakikilala, mahal niya ito at hindi siya sumuko.

"kaya nmn, dahil hindi ka sumuko sa batang iyon ay hindi ka din nya sinukuan. At ang batang iyon ay ako."

Hinahanap kita sa mga kalsada at kalye gabi-gabi, hinahanap ang kapares ng kwentas na ito.

Sabay abot nya sa isang pares ng kwentas.

"Ako ito si Richard ang iyong Anak."

Hindi ako sumuko sa paghahanap sayo dahil hindi mo ako sinukuan. At ngaun natagpuan na kita. Hindi na tayo magkakahiwalay pa.

Sa pag kakataong Iyon ay hindi nila mapigilan ang pagpatak ng mga luha. At niyakap nila ng mahigpit ang isa’t isa.

Hindi makapaniwla si Karla na nasa harapan pla nya ang anak na matagal na niyang gustong makita at mayakap.

"Handa ka na bang umuwi, Ma? Sambit ni Richard sa Ina."

"Oo anak," tugon nya.

"Simula noon ay hindi na sila nagkahiwalay pa, At magkasama silang umuwi ng bahay."

"Namuhay sila ng masaya, kapiling ang isa't isa. Kaya kong mahal natin ang isang tao ay huwag natin sukuan.

Ang hindi pagsuko ang siyang nagpapatunay na mahal natin sya at mahalaga sya sa buhay natin.

3 years ago

ANG NAKAKABILIB NA PAGLIGTAS NG LOBO SA BABAENG ITO MULA SA MGA KRIMINAL

Magandang araw kapatid welcome sa Tuklasin mo channel, sa videong Ito tunghayan natin ang storya ng babaeng nag alaga ng isang tuta. Subalit matutuklasan niya na isa pa lng mabangis na lobo ang kanyang inalagaan. Ano Kaya ang naging ganti nito sa kanya ng Malaman nya na hindi Pala ito pangkaraniwang aso. Kaya alamin natin lahat yan sa ating pagpapatuloy na tiyak magbibigay ng Aral at inspirasyon

Kamusta kayong lahat mga kaibigan? Narito ulit ako maghahatid ng isang kwento, Na kapupulutan ng aral at leksyon sa buhay. tunghayan natin ang storya ng babaeng nag alaga ng isang tuta. Subalit matutuklasan niya na isa pa lng mabangis na lobo ang kanyang inalagaan. Ano Kaya ang naging ganti nito sa kanya, ng malaman nya na hindi pala ito pangkaraniwang aso. Kaya alamin natin lahat yan sa ating pagpapatuloy na tiyak magbibigay ng aral at inspirasyon.

Ang kwentong ito ay nagmula sa isang liblib na lugar sa bansang Russia. Isang matandang babae na nagngangalang Ana. Na mag isang naninirahan sa kanyang maliit na tahanan sapagkat ang asawa niya ay matagal ng namaalam sa mundo. Ang mga anak nmn nya ay may sarili ng pamilya. Ang tanging kasama na lamang nya ay ang alagang pusa.

Ang mag alaga ng mga hayop, at manuod ng mga palabas sa telibisyon ang kanyang libangan.

Isang araw meron isang lalaki ang napadpad sa kanilang lugar upang mangaso ng mababangis na hayop. Habang sya ay naglalakad nakita nya ang bagong silang na anak ng asong lobo. Na payat na payat at nanghihina dahil sa gutom. Dala ng awa nya dto, ay kinuha niya ito at inilagay sa kanyang bag para sya na lamang ang mag alaga nito.

Sa pagkakataong iyon ay nagpasya na siyang umuwi ng bahay at napadaan sya sa isang bahay. Na kung saan, nakatira ang matandang babae. Kaya nmn kinuha niya ang isang tuta mula sa kanyang bag at inilagay sa loob ng bakuran. Dahil alam nya na mahilig ito mag alaga ng mga hayop.

Kinaumagahan laking gulat  ng matandang babae ng makita nya ang isang tuta at buong akala niya ay isa lang itong pangkaraniwang aso.

Dala ng awa nya dito ay kinuha niya ito para sya na lamang ang mag alaga nito. At isa pa ay magkakaroon na sya ng kasama maliban sa kanyang alagang pusa.

Napansin niya na paralisa ang mga paa nito at hirap ito makalakad. Kaya nmn ginagamot niya ito at nilagyan ng benda ang sugat nito.

Lumaki ang asong lobo na mabait at nakikipaglaro din ito sa kanyang alagang pusa. At binigyan niya ito ng pangalang mesha. Naging masunurin naman ito at mabait.

Habang sya ay nasa grocery store, Sa hindi nya inaasahan, natuklasan nya na isang mabangis na lobo pala ang kanyang inalagaan.

Na buong akala niya ay isa lng itong pangkaraniwang aso. Ng sya ay tanungin ng babaeng kahira tungkol sa asong lobo. Sapagkat ang kanyang mga kapitbahay ay alam nito na mayroon isang mangangaso na nag iwan ng isang asong lobo sa loob ng kanyang bakuran. Kaya pala hindi tumahol iyon ay kakaiba ang itsura sapagkat isa pala siyang  lobo.

Ng matuklasan nya ay hindi sya papayag na ibigay niya ito kaninoman. Sapagkat sa loob ng apat na buwan na pag aalaga nya, ay napamahal na sya dto at minsan nmn ay kasa kasama nya ito sa kanyang pag alis. Na para bang isang pangkaraniwang aso.

Naiiwan nya rin ito sa kanilang bahay ng mag isa at hind rin nya ito itinatali. Kaya Malaya ang asong lobo na makaalis saan man nya gustuhin. Ang kanilang bahay ay nasa gilid lamang ng kagubatan at malayo sa mga kapitbahay kaya kailangan nya ng kasama. At kapag naiiwan mag isa ang asong lobo ay hinid sya umaalis ng bahay at matiyaga lng syang naghihinatay na makauwi ang kanyang amo. At sinasalubong ng buong kasiyahan.

Ilang mga taon nyang nakasama ang lobo at hindi madali para sa kanya ang magpakain. Sapagkat patuloy ito sa paglaki dahil umaasa lamang sya sa kanyang pension.

Kaya nmn kung ano ang pagkain nya sa pang araw araw ay gayun din ang pagkain ng kanyang alagang lobo.

Isang gabi tatlong kalalakihan ang bagong takas sa bilangguan ang nagtago sa kagubatan. Kaya nmn binalaan sila ng mga utoridad na mag ingat sa gabing iyon.

Habang ang matanda ay walang kaalam alam at nanunuod ng mga palabas. Ang kanyang alagang lobo at pusa lamang ang kanyang kasama sa mga oras na iyon.

Ilang minuto ang makalipas nakarinig sila ng mga katok sa pintuan. Ang asong lobo nmn ay naging alerto sa mga oras na iyon.

Binuksan ng matanda ang pintuan sa pag aakalang kapitbahay lamang nila iyon. Ng mabuksan niya ito ay isang malakas na hampas ang tumama sa kanyang mukha na nagpabagsak sa kawawang matanda. At nawalan sya ng Malay.

Tatlong mga kriminal ang sumalakay sa kanyang bahay, subalit laking gulat ng mga ito ng makitang sumulpot sa kanilang harapan ang galit na galit na asong lobo.

Ng akmang babarilin sya ng isa sa mga kriminal ay mabilis na sinugod sya ng lobo at walang awang sinakmal. kaya nabitawan nya ang hawak na baril.

 Ang dalawa nmn nyang mga kasma ay agad nagsitakbuhan dala ng takot nito. At hinabol sila ng galit na galit na asong lobo. Nakagat ng lobo ang dalawang mga kriminal dahil sa tindi ng galit nito. At agad syang tumakbo pabalik patungo sa kanyang amo.

Napansin nya na wla itong malay kaya nmn dinilaan nya ang mukha ng kanyang amo.

Ilang minuto ang lumipas nagising na ito at muling nagka malay. Niyakap nmn sya ng matanda sa pagligtas sa kanyang buhay. At hind nya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Ang isa sa mga kriminal nmn ay naroon pa, binaril nya ang lobo at tumama sa kaliwang mga paa niya. Buti nlng hind malubha ang tinamo niyang pinsala.

Sa pagkakataong iyon ay nagsitakbuhan ang kanilang mga kapitbahay patungo sa kanila. Ng marinig nila ang putok ng baril. Kaya ang isang kriminal ay muling nahuli ng mga utoridad at muling hihimas ng rehas sa kulungan. Habang ang dalawang kriminal nmn ay sugatan at nakatakbo sa kalapit n bayan, subalit muli rin silang nahuli ng mga utoridad at hind nagtagumpay sa tangkang pagtakas.

Ang lobo nmn ay sugatan sa kabilang bahagi ng kanyang mga paa, kaya nmn nilagyan niya Ito ng benda at ginamot.

Makalipas ang ilang mga buwan, gumaling na ang asong lobo sa tinamong sugat at masayain n ulit Ito at nakikipaglaro. Dahil sa pangyayaring iyon ang lobo ay nag iingat na sa mga tao sapagkat ang mga tao ang mas Nakakatakot na mga nilalang. Kaya ang kwentong ito ay isang magandang halimbawa na hindi lahat ng mga hayop ay nagpapakahayop dahil ang iba ay nagpapakatao. At ang Ilan sa mga tao nmn ay nagpapakahayop.

3 years ago

LALAKING INILIGTAS ANG LOBO; MAGUGULAT KA SA NAGING BALIK NITO

Isa ang lobo sa mga pinaka mabangis at mabagsik na hayop sa kagubatan. At isa sila sa mga kinakatakutan ng karamihan, Kaya, Sa kwentong Ito tunghayan natin ang storya sa pagitan ng tao at asong lobo. Isang lalaki ang naglalakad sa gubatan, nakita niya ang lobong na trap sa ilalim ng puno. maililigtas kaya nya ang kawawang lobo? kahit na mapanganib Ito, At Ano Kaya ang magiging ganti ng asong lobo sa lalaking sasagip ng kanyang buhay? Kaya alamin lahat yan sa ating pagpapatuloy. Na tiyak magbibigay ng Aral at inspirasyon

Isa ang lobo sa mga pinaka mabangis at mabagsik na hayop sa kagubatan. At isa sila sa mga kinakatakutan ng karamihan. Kaya sa kwentong ito tunghayan natin ang storya sa pagitan ng tao at asong lobo. Isang lalaki ang naglalakad sa gubatan. Nakita niya ang lobong na trap sa ilalim ng puno. Maililigtas kaya nya ang kawawang lobo kahit na mapanganib ito? At ano kaya ang magiging ganti ng asong lobo sa lalaking sasagip ng kanyang buhay? Kaya alamin lahat yan sa ating pagpapatuloy. Na tiyak magbibigay ng aral at inspirasyon.

Isang lalaki ang naglalakad sa kagubatan. Sa kanyang paglalakad, Nakita nya ang isang asong lobo. Na sa unang tingin nya ay sobra siyang natakot sapagkat mabangis ito, At maaari sya nitong lapain.

Subalit napansin niya na hirap ito makagalaw at makalakad. Kaya nmn nilapitan niya ito para alamin kung anong nangyari sa asong lobo, Kaya pla hind siya makaalis sa kanyang pwesto sapagkat na trap ito, Na naging dahilan na manghina ang kawawang lobo. Dala na rin ng kawalan ng makakain at maiinom. At dto niya napansin na bagong panganak pala ito, Subalit mabangis ito ng mga oras na iyon, Sapagkat ang mga tao ang kinakatakutang nilalang ng mga lobo. Kaya naman hindi niya ito kayang iligtas mula sa pagkakatrap, lalo na at bagong panganak ito.

Sa mga oras na iyon ay hinanap nya sa paligid kung nasaan ang mga anak nito.

Ilang minuto ang lumipas, sa kanyang paghahanap, ay nakita niya ang kanilang tirahan. Kaya nmn umalolong sya na gaya ng isang lobo. ng sa gayun ay lumabas mula sa lungga ang mga anak nito. At sinubukan niya pang muli, Hanggang may isang batang lobo ang lumapit sa kanya. At napansin nya na sobrang nagugutom na ito at hinang hina na. kaya nmn kinuha niya ito at inilagay sa kanyang basket, dinala niya ito, kung saan na trap ang kanyang Ina. At Muli niyang binalikan ang Ina ng lobo, na kung saan, ay tahimik lng ito at hinihintay na makita niya ang kanyang anak.

Sa di kalayuan ay ibinaba nya ang batang lobo at agad nmn itong tumakbo patungo sa kanyang Ina.

Kahit nahihirapan ang kanyang Ina mula sa pagkakatrap nito. Ay Nagawa pa niyang mapasuso ang kanyang anak.

Sa kanyang nakita ay sobrang nadurog ang kanyang puso sa mag inang lobo. At hindi sya papayag na hindi niya maililigtas ito mula sa pagkakatrap at mabigyan ng makakain. Kaya nmn sinumulan nya ang maghanap ng makakain.

Sa di kalayuan ay nakita niya ang isang bagong patay na usa. kaya nmn kinuha niya oto at dinala sa mag inang lobo. sapat na ito para sa ilang mga araw nilang pagkain.

takip silim na ng mga oras na iyon, kaya nmn doon na din sya nagpalipas ng gabi.

Pagka gising niya ay agad syang nilapitan ng batang lobo na para bang nagpapasalamat sa ginawa niyang kabutihan sa kanilang mag Ina. Habang nakatingin sa kanila ang Ina ng lobo ay ramdam niya, na pinagkakatiwala niya ito sa kanya. Sa mga oras na iyon ay pinag iisipin nya ng mabuti kung paano maililigtas ang kawawang lobo mula sa pagka trap nito, Kaya nmn binibigyan niya ito ng makakain at kinakausap sapagkat hindi niya ito basta basta masasagip sa pag kaka trap sa kadahilanang mabangis ito.

Kaya nmn sa araw araw na pagpapakain niya sa mabangis na lobo ay nagiging mabait na ito at nagsimula na din igalaw ang buntot nito.

Sa pagkakataong iyon ay unti unti siyang lumapit sa lobo at marahan na hinawakan ang mukha nito na hind nya makita ang bakas sa mukha na nagagalit ito.

Hindi sya sinakmal ng lobo kaya nmn nagkaroon sya ng lakas ng loob na alisin ito mula sa pagkakatrap. At nagtagumpay nga sya na mailigtas ang lobo na hindi sya sinaktan nito. At dito na nagsimula ang kanilang pag kakaibigan, At isa lng ang napatunayan niya na hind lahat ng mabangis na hayop ay mabagsik at dapat katakutan.

Sa pagkakataong iyon ay lumapit sa kanya ang asong lobo at dinilaan ang kanyang kamay at nagsimulang igalaw ang buntot nito na animoy nagpapasalamat sa pagligtas sa kanya. At Bigla siyang namangha sa ikinilos ng lobo. Habang lumalakad ito ng papalayo, lumilingon ito sa kanya na animoy sinasabi niya sa lalaki na sundan siya nito. Kaya nmn sinundan niya ang asong lobo.

Sa di kalayuan ay narating nila ang isang napakagandang lugar, At nakita nya ang isang gropo ng mga lobo.

Ang mag Inang lobo nmn ay lumapit sa kanyang mga kaibigan, At Hindi nmn sya naka ramdam ng takot. Pakiramdam niya ay mga bago niya itong kaibigan. Sapagkat iniligtas nya ang buhay ng isa sa kanila. kaya nmn dinala sya nito kung saan ang tirahan nila.

Takip silim na ng mga oras na iyon, kaya nmn inihanda nya ang tent para doon na sya magpahinga at magpalipas ng gabi.

Kinaumagahan oras na para lisanin na niya ang teretoryo ng mga asong lobo. Habang naghahanda sya sa kanyang pag alis. lumapit sa kanya ang lobong iniligtas nya kasama ang anak nito. At habang humahakbang siya ng papalayo sa kanyang paglingon ay nakita niyang malungkot ang mga mata ng asong lobo kung saan nakatingin ito sa kanyang pag alis.

Kaya nmn ikinaway niya ang kanyang kamay na para bang nagpapaalam sa asong lobo at sinagot nmn sya ng isang malakas na alolong nito.

Nalungkot siya sa pag alis ng kanyang bagong kaibigan. Makalipas ang apat na taon ay muling bumalik siya ng kagubatan.

Sa kanyang paglalakad ay nakita niya ang mga bakas, kung saan na trap ang asong lobo na kanyang iniligtas apat na taon na ang nakalilipas. Kaya nmn bumalik sa kanyang mga ala ala ang mag inang lobo na kanyang iniligtas.

Habang sya ay naglalakad biglang sumulpot sa kanyang harapan ang isang napakabagsik na oso na para bang gutom na gutom at gusto na siyang lapain, na talaga nmng ma swerte pa pag sya ay makaligtas at mabuhay. Kaya nmn dali dali siyang tumakbo at naghanap ng puno upang akyatin. Sa mga oras na iyon ay nanginginig siya sa takot, At hind sya Papayag na gawing karne  ng mga oso. kaya ang ginawa nya ay umalolong sya na gaya ng isang lobo.

Ang mabangis na oso nmn ay nasa ibaba lamang at naghihintay ng pagkakataon na malapa niya ang lalaking nawawalan na ng pag asang mabuhay.

Ilang minuto ang makalipas, Isang Hugbo ng mga asong lobo ang lumabas, na nanggagalaite sa galit.

Nakalabas ang mga ngepin nito at nakahandang sugurin ang mabangis na oso. walang inaatrasan ang mga lobo at kinakatakutan lalo na at teretoryo nila iyon. Isang grupo sila laban sa mag isang oso, isang pagkakamali lang ng oso ay tiyak gagawin siyang pulutan ng mga gutom na lobo.

Dahil sa takot na maging pulutan, ang mabangis na oso ay napilitan na umatras at lisanin ang teretoryo ng mga lobo. At nagsialisan ng muli ang isang gropo ng mga lobo, maliban lang doon sa isa.

Sa mga oras na iyon ay nakatingin sa kanya ang isa sa mga lobo, Ang lobo na iyon ay familiar sa kanya. At hindi nga siya nagkamali, Iyon ang lobong kanyang iniligtas apat na taon na ang nakalilipas. At isang malakas na alolong ang pinakawalan ng asong lobo. Yun ay isang pag papaalam sa kanyang dating kaibigan. At ilang sandali ang lumipas tumakbo na ito sa kanyang mga kasamang lobo.

Ang lalaki nmn ay nagsimula na rin humakbang papalayo at umuwi ng kanilang bahay at hind na bumalik pa. Inisip na lamang niya na ang pang yayaring iyon ay isang napakagandang ala-ala sa pagitan ng pagkakaibigan ng tao at asong lobo. Habang humahakbang ng papalayo ang lalaki, ay nakatingin sa kanya ang lobo hanggang sa tuluyan na niyang hind ito  matanaw.

Kaya ang  kwentong ito ay isang magandang halimbawa na hindi lahat ng mabangis na hayop ay mapanganib at dapat katakutan, Dahil minsan ay isa sila sa maituturing na tapat na kaibigan. Hayop man sila kung matuturing ay handa nmn magpakatao. Dahil kung Minsan ang mga tao ay nagpapakahayop at nakakatakot na mga nilalang.

3 years ago

ANG PINAKA MATALINO AT KINAKATAKUTANG LOBO SA KASAYSAYAN

Isa ang lobo sa maituturing na mabangis na hayop, Subalit Gaya natin ay marunong din silang umibig at masaktan, kaya sa kwentong ito tunghayan natin ang storya ng Pag iibigan Ng magkasintahan na asong lobo. Na ang tanging hadlang lamang sa kanila ay ang mga hunter na gusto Silang mabihag at paslangin. May forever nga Kaya sa dalawang mga nilalang na Ito? Sapagkat ipinapapatay sila at pinaghahanap ng mga hunter? Ano Kaya ang dahilan bakit matinde ang galit sa kanila? At ano nga ba ang matutuklasan ng magaling na hunter tungkol sa matalinong lobo, na nagpabago sa kanyang pananaw at sya ay nagbagong buhay. Kaya alamin natin lahat yan sa ating pagpapatuloy na tiyak magbibigay ng Aral at inspirasyon.

Isa ang lobo sa maituturing na mabangis na hayop, Subalit gaya natin ay marunong din silang umibig at masaktan. kaya sa kwentong ito tunghayan natin ang storya ng pag iibigan ng magkasintahan na asong lobo. Na ang tanging hadlang lamang sa kanila ay ang mga hunter na gusto dilang mabihag at paslangin. May forever nga kaya sa dalawang mga nilalang na ito? Sapagkat ipinapapatay sila at pinaghahanap ng mga hunter? Ano Kaya ang dahilan bakit matindi ang galit sa kanila? At ano nga ba ang matutuklasan ng magaling na hunter tungkol sa matalinong lobo, na nagpabago sa kanyang pananaw at sya ay nagbagong buhay. Kaya alamin natin lahat yan sa ating pagpapatuloy na tiyak magbibigay ng Aral at inspirasyon.

Taong 19 hundred sa hilagang Mexico, Isang gropo ng lobo ang tinaguriang disaster ng mga Rancho. Na pinangungunahan ng kanilang leader na si grey. Naging sikat si grey sa bayang iyon sapagkat sya at ang gropo nya ang nagpapatumba sa  mga alagang baka at tupa ng mga pastol. Kaya nmn naging target sila ng mga hunter. Sapagkat matindi na ang ginawa nilang pinsala. Subalit ni isa sa mga gropo ni grey ay hindi nila mabihag. kaya isa sila sa mga tinaguriang pinakamatalinong lobo sa kasaysayan.

Ang nagmamay ari ng mga Rancho sa kanilang lugar ay nalalagasan ng isang baka kada araw. Kung kaya naman ganun nlng katindi ang galit ng mga pastol sa gropo ni grey, hanggang sa umabot sa dalawang libo na mga baka ang pinatumba ng mga lobo sa loob ng apat na taon.

At isang araw 250 na mga tupa ang pinaslang ng kanilang gropo, na dahilan na magkawatak watak ang mga tupa.

Sa pangyayaring iyon dalawang pastol ang nagising dahil sa pag atake ng mga lobo. Kaya nmn hinanap sila ng kanilang mga pastol, subalit wla ng buhay ang mga tupa ng kanilang matagpuan ito. At ang iba nmn ay nakatakas na at nakawala.

Naging malaking pasakit sa mga nagmamay ari ng Rancho ang pangyayaring iyon. Kaya nmn gumawa ang mga pastol ng bitag ng sa gayun ay ma trap ang mga lobo. Subalit alam ni grey na lider ng gropo kung may panganib sa isang lugar Kaya hinid sila mabihag.

Hanggang sa sumuko nlng ang mga pastol dahil wlang napala ang ginawa nilang mga bitag. At nagpasya sila na magbayad ng reward sa sinumang makakapatay kay grey at sa kanyang gropo. Subalit ni isa man sa mga magagaling na hunter ay walang nagtatagumpay na mabihag si grey o ni isa man sa kanila. Kaya simula noon ang reward sa ulo ni grey ay tumaas at umabot sa 1000 dollars, Kaya nmn dumagsa ang mga hunter na nag uunahan na makapatay sa lobo, At isang hunter na mula Texas na nagngangalang Tenere ang tumanggap sa nasabing hamon. Pinaghandaan nya ng husto ang pag hunting kay grey, Isa siya sa mga magagaling na hunter, Kaya nmn may tiwala sya sa sarili na hindi sya mapapahiya.

Isang araw, nakita nya ang lobong si grey sa di kalayuan.

Gamit ang kanyang baril ay tiniktikan niya ito at nakipag tuos siya sa lobo, subalit nabigo siyang matamaan ito. At Gumogol sya ng halos dalawang buwan sa pakikipag pagsagupa kay grey. At Nagawa na nya ang lahat ng diskarte, Mga karne na nilagyan nya ng lason at dalawang daan na mga trap. Subalit sa kanyang pakiramdaman ay ang lahat ng iyon ay walang kabuluhan. Sapagkat hind nya mahuli ito, Napaka talino ni grey higit pa sa kanyang inaakala. Hanggang sa, siya ay sumuko nlng at napagtanto nya na hindi pala ganun kadaling mabihag si grey. At isang pastol ang may matindi ang galit kay grey, Sapagkat ang kanyang mga alagang baka at tupa ay unti unti ng nauubos ng mga lobo. Kaya nmn nag hire sya ng isa sa mga pinaka mahusay na hunter n nagngangalang Ernest Seton thumpson. Nangako si Seton sa kanya na kaya niyang ubusin ang gropo ni grey sa loob lamang ng dalawang lingo. Subalit ang pakikipag sagupa niya sa mga lobo ay umabot na ng halos apat n buwan.

Naikot nya rin ang teretoryo ng mga lobo sakay ng kanyang kabayo. Subalit Napagod lng siya at nabigo. Hanggang sa nawawalan na siya ng pag asa na mabihag ang lobo. Kaya nmn gumawa sya ng ibang mga diskarte, Gamit ang mga karne n may lason ay ginawa niyang pain sa bitag. Subalit ang karne na may lason ay naaamoy ng lobo, na may bakas ito ng tao. Dahilan na ang karne ng baka at wlang lason ang kanilang kinakain na sya mismo ang umatake. Maging ang mga bitag ay matagumpay niyang nalulusutan.

Hanggang sa nagsama na sya ng dalawa pang mangangaso. Siya at ang dalawa niyang mga kasama ay gumawa ng bitag sa loob ng isang lingo. Subalit nakikita ito ni Grey at hinuhukay nya ang paligid nito para makita ng mga kasama niyang lobo na may bitag sa lugar na iyon.

Isang araw habang si Seton ay pababa ng bundok, umagaw sa kanya ng pansin ang mga yapak ng lobo na si Grey. At napag alaman niya na may kasama pa itong isang lobo. Kaya nmn napagtanto nya na, iyon ay ang lobong kasintahan ni Grey, Ng dahil doon ay nakaisip ng panibagong diskarte si seton kung paano mabibihag si grey. Dahil natuklasan niyang may nobya ito, At alam nya na ang babae ang kahinaan ng lalaki. Kaya nmn gumawa sya ng anim na mga bitag na nakapalibot sa karne.

Doon nya inilatag kung saan madalas tumambay ang nobya ni grey.

Kinabukasan pinuntahan ni Seton ang bitag, At isang lobo ang na trap, un ay ang nobya ni Grey na si Blanca. Napakangandang lobo at kulay puti. Nakatingin siya kay Seton na nagmamakaawa at humihinge ng tulong. Ilang minuto ang makalipas, dumating nmn ang nobyo ni Blanca na si Grey. Subalit nagtago sya sa likod ng puno ng sa gayun ay ay hindi sya makita ni Seton.

Habang tanaw nya si Blanca. Ilang minuto ang makalipas kitang kita ni Grey kung paano pinaslang ni Seton ang kanyang pinakamamahal na nobya, binaril ni Seton sa ulo si Blanca hanggang sa bawian ito ng buhay. Walang magawa si grey sa mga oras na iyon, gusto niyang sugurin si Seton subalit wla siyang kalaban laban sapagkat may hawak itong baril. Pakiramdaman nya ay pinagsakloban sya ng langit at lupa.

Pagkatapos noon ay dinala ni Seton si Blanca sa kanyang Rancho. Sinusundan ni Grey se Seton kung saan dala nya ang bihag na si Blanca. Ginawang pain ni Seton Si Blanca ng sa gayun ay mabihag nya ang nobyo nito. At ito lang ang natitira niyang paraan para magtagumpay. Habang tanaw ni grey si Blanca ay isang nakakadurog puso na pag alolong ang kanyang pinakawalan. Nawala sa isipan nya ang pag iingat simula ng mawala sa buhay nya si Blanca. Na naging dahilan na sya ay ma trap sa mga bitag ni Seton.

Sinubukan nya ang makawala at lumaban. subalit, wla siyang kakayanin, at unti unti na siyang nauubusan ng lakas. Para siyang kandila na unti unti ng nauupos, Aat isang malakas na pag alolong ang kanyang pinakawalan.

Tumatawag siya ng tulong mula sa kanyang gropo subalit wala ang mga ito. At hinagisan siya ng lubid ni Seton, na itinali sa kanyang liig ng sa gayun ay hindi na makawala pa ang kawawang lobo.

Habang nakatali ang lobo ay pinagmamasdan nya ang wlang buhay na si Blanca. Itinabi ni Seton si Blanca Kay Grey ng sa gayun ay makasama nya pa ito hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay.

Bago iwanan ni Seton si Grey ay binigyan nya muna ito ng makakain at tubig. Dahil wla siyang plano na paslangin ito. Dahil ang gusto nya ay pagdusahan nya ang ginawa niyang mga kasalanan.

Dalawang  araw ang makalipas binalikan ni Seton ang lobo. Subalit wla na itong buhay katabi ng kanyang nobya na si Blanca, hind ito kumain at hind rin uminom ng tubig. At may mga sugat ito sa katawan dala ng kanyang pakikipag kaban. Sobrang nalungkot ang lobo sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na si Blanca. Na naging dahilan na sya ay bawian ng buhay.

Na antig nmn si Seton sa ginawa ng lobo, dahil sa walang katulad na pagmamahal nya kay Blanca. Ang malakas n lobo ay gaya ng isang lion na naubusan ng lakas, Isang Agila na nawalan ng kalayaan. At isang tao na nawalan ng pinakamamahal. Simula noon ay hind na sya ng hunting ng mga lobo at nagtatag sya ng kampanya na protektahan Ang mga mababangis na hayop, dahil gaya natin ay kailangan din nila ng kalayaan. 

3 years ago

HINUHUKAY NG LOBO ANG BAGONG LIBING NA AMO; NAPAIYAK SILA SA NATUKLASAN

Karaniwan na sa atin ang mag alaga ng mga hayop, Subalit Paano kung ang inalagaan mo ay isa pa lng mabangis na asong lobo. Kaya sa videong Ito tunghayan natin ang kwento, Ng kanyang Amo at ng Asong lobo na kanyang inalagaan. At isang trahedya ang susubok sa kanilang dalwa, Ano Kaya ang nagawa ng asong lobo sa kanya ? Na dahilan na magalit sya at gusto na nya Itong wakasan ang buhay. At Ano Kaya ang Kanyang matutuklasan nya sa asong lobo na dudurog sa kanyang puso. Kaya alamin natin lahat yan sa ating pagpapatuloy na tiyak magbibigay ng Aral at inspirasyon.

Karaniwan na sa atin ang mag alaga ng mga hayop, Subalit paano kung ang inalagaan mo ay isa pa lng mabangis na asong lobo. Kaya sa kwentong ito tunghayan natin ang storya, ng kanyang Amo at ng asong lobo na kanyang inalagaan. At isang trahedya ang susubok sa kanilang dalawa, Ano Kaya ang nagawa ng asong lobo sa kanya ? Na dahilan na magalit sya at gusto na nya itong wakasan ang buhay. At Ano kaya ang kanyang matutuklasan sa asong lobo na dudurog sa kanyang puso. Kaya alamin natin lahat yan sa ating pagpapatuloy na tiyak magbibigay ng aral at inspirasyon.

Isang araw meron isang lalaking mangangaso ang napadpad sa isang masukal na kagubatan. Sa kanyang paglalakad ay nakita nya ang isang asong lobo. na trap ito sa bitag ng mga hunter, tuta pa lamang ito at maliit pa, Kaya wlang kakayahan na mailigtas niya ang kanyang sarili. Kung kaya nmn, inalis niya ito sa pagkakatrap. At nung masiguro niya na ligtas na ang kawawang tuta, Pakakawalanan na sana niya sa mga oras na iyon. Subalit sumagi sa isipan niya na baka bawian lng ito ng buhay. Dahil hirap ito makalakad at wla ang Ina nito. Marahil inabandona na ng kanyang Ina.

Kaya napag isipan niya na e uwi na lamang ng bahay, upang gamutin ang tinamong mga sugat nito sa paa. Ginamot ng matanda ang kawawang tuta at unti unti nmn itong gumaling. Hindi nagtagal, napamahal na rin sya dito sapagkat mabait ito.

Tatlong buwan ang makalipas kailangan iwanan ng matanda ang asong lobo sa pangangalaga ng kanyang Apo na bagong kasal. Sapagkat lilipat na sya ng tirahan, sa kanyang anak na babae. Sa unang mga araw, ay hindi pa palagay ang loob ng asong lobo sa kanyang bagong Amo, Subalit hind nagtagal ay unti unti na rin ito nasanay sa kanila.

Napamahal ang bagong mag asawa sa asong lobo at ganoon din nmn ang lobo sa kanila. At binigyan nila ito ng pangalang Kobe at naging ganap na miyembro na ng pamilya si Kobe.

Ilang mga buwan ang makalipas nagdalang tao na ang babae at masaya ang bagong mag asawa sapagkat magbubunga na kanilang pagmamahalan. Na tila isang mala fairy tale, na sa mga palabas lng nangyayari.

Subalit isang bangongot ang hindi nila inaasahan ang darating. Isang araw habang pumasok ng trabaho ang kanyang Asawa. Binuksan ng babae ang kalan at nakalimutan nito na buksan ang damper. Ilang minuto ang makalipas nakatulog ang babae, sa di mapigilang antok nito.

Ang apoy nmn sa kalan ay nagsimulang lumaki. kasabay nito, ay napuno ng usok ang kanyang kwarto. tulog pa rin ang babae at hindi nagising sa mga oras na iyon.

Ilang mga oras ang makalipas, dumating nmn ang asawa niya galing ng trabaho at laking gulat niya ng madatnan niya na walang malay ang kanyang pinakamamahal na asawa. Kaya nmn, agad siyang tumawag ng tulong at sinuri ang kalagayan ng kanyang mag ina.

Subalit isang nakakalungkot na balita ang kanyang nalaman. Idineklara nila itong binawian na ng buhay. Ayun sa mga sumuri ang carbon monoxide na nalanghap ng babae ay nagtataglay ng nakakalason na kimekal.

Ilang minuto ang makalipas, biglang bumukas ang pintuan at agad naman pumasok sa loob ng kwarto ang asong lobo kung saan naroon ang babae.

Agad nmn nilapitan ng lobo ang walang malay na babae, bakas sa mukha ng lobo ang lungkot dahil sa masalimoot na sinapit ng kanyang Amo. Kaya nmn, Tumalon ito sa katawan ng babae at dinilaan ang kanyang mga kamay. Na ikinagalit nmn ng lalaki sa ginawa ng lobo. Kya nmn, itinali nya ito sa kanilang bakuran. Ang asong lobo nmn ay hind mapakali at gustong makatakas sa pag kakatali sa hind malaman na kadahilanan.

Dumating ang araw ng libing, pagkauwi ng lalaki galing ng trabaho. Nadatnan niya na sobrang ingay ng asong lobo at wla itong tigil sa pag alolong nito. Buong habi hindi tumigil ang asong lobo at gusto nito ang makawala. Sa galit ng lalaki ay sumagi sa isipan niya na barilin nlng ito, ng sa gayun ay tumigil na sya sa pag ingay. Subalit pinakawalan nlng nya ito. Nanaig pa rin ang awa ng lalaki sa asong lobo. Laking gulat nmn ng lalaki ng agad itong tumakbo putungo ng kagubatan, kung saan inilibing ang kanyang asawa.

Kinaumagahan nagpasya ang lalaki na puntahan ang sementeryo kung saan nakalibing ang kanyang mag ina. Laking gulat nmn nya ng datnan nya na hinuhukay ng asong lobo ang puntod ng kanyang asawa, Kaya nmn pilit niya itong itinataboy dala ng galit niya dto. Subalit ayaw pa rin itong umalis sa kanyang pwesto at patuloy pa rin ito sa paghuhukay. Ng malapitan nya ito ay malalim na pala ang nahukay ng lobo at nakatayo roon. Ilang minuto ang makalipas nakarinig sila ng ingay na nagmumula sa ilalim ng lupa. Kaya nmn napag pasyahan nilang hukayin para alamin kung bakit.

Buhay ang kanyang asawa, maging ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay may pulso rin ito. Bigla nmn napayakap ang lalaki sa asong lobo sa pagligtas ng kanyang mag ina, at hindi nya mapigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha.

Ang mga doktor nmn ay namangha sa pangyayari, sapagkat noong una ay wala itong pulso kaya isang milagro ang nangyari.

Kaya nmn simula noon ay minahal na nila ang asong lobo, at naging parti na ng kanilang pamilya. Dahil kung hindi sa kanya ay hindi maililigtas ang buhay ng kanyang mag ina.

3 years ago