Mga kwentong sumasalamin sa totoong buhay na magbibigay ng Aral at inspirasyon.
Kamakailan lang nawalan ng hanapbuhay ang padre de pamilya na si Gido dahil sa pagkalugi ng kumpanyang pinapasukan niya sanhi ng pandemya. Ito ang dahilan kaya't labis siyang nag-alala kung paano mapupunan ang pangangailangan ng kaniyang buong pamilya.
Sinubukan niyang maghanap muli ng trabaho, kahit bilang isang serbidor sa isang kainan, nag-apply din siyang maging panadero sa isang panaderya, at sumubok pa ng iba’t ibang trabaho. Ngunit, sa lahat ng mga tindahan, kainan, at kompanyang inapplyan niya, walang tumanggap sa kanya dahil sa mababang kita ngayong pandemya.
Nang wala na siyang makitang ibang oportunidad, naisipan niyang humingi ng tulong sa mga kaibigan. Napapansin niyang panay ang post nila sa social media ng malaking pera at masasarap na pagkaing binibili para sa kanilang mga anak.
"Pare, anong sideline mo ngayon? Napansin ko ang dami mong kinikita. Baka naman puwede mo akong tulungan para kumita rin," tanong niya.
"Wala akong regular na trabaho, pare! Nagsasabong lang ako! Swabe naman akong pumili ng manok kaya nagkakapera ako. Subukan mo rin, baka palarin ka!" suhestiyon ng kaibigan, na labis na ikina-excite niya.
"Masubukan nga 'yan! Pero, limampung libong piso na lang ang natitira sa ipon ko. Puwede na kaya ‘yon?" tanong niya.
"Kayang-kaya na ‘yan! Kung isusugal mo lahat, malaki ang balik sa'yo kapag nanalo ka!" sagot ng kaibigan, kaya’t dali-dali siyang nagtungo sa bangko para kunin ang lahat ng natitirang pera.
Pagkauwi, nagulat ang kaniyang asawa nang makita ang perang hawak niya.
"Anong gagawin mo riyan?" tanong ng asawa niya.
"Ah, mahal, malaki ang kinikita ng kumpare ko sa sabong. Susubukan ko sanang palaguin ito. Baka swertehin tayo," paliwanag niya habang inihahanda ang selpon upang makapagtaya na.
"Diyos ko, Gido! Inegosyo na lang natin ‘yan kaysa isugal mo! Sa halagang ‘yan, puwede na tayong magtayo ng water station. Ayos lang na matagalan kumita kaysa naman ubusin mo kapag natalo ka!" pangaral ng asawa, pero sa halip na makinig, tuloy-tuloy siyang umalis ng bahay at nagpunta sa sabungan.
Pinilit man siyang pigilan ng asawa, siya pa ang nagalit kaya’t napilitang hayaan na lamang siya nitong gawin ang gusto niya.
Nang makapunta siya sa sabungan, itinaya niya ang lahat ng perang dala. Habang naghihintay na manalo ang kanyang manok, panay ang dasal niya na manalo ito para makapagtayo sila ng negosyo.
Ngunit, tulad ng takot ng asawa niya, natalo ang manok na pinili niya. Ni isang kusing, wala siyang naiuwi, dahilan para siya’y manghina. Halos mawalan siya ng pag-asa kung paano mababawi ang perang nawala.
Umiiyak niyang ipinagtapat ito sa kanyang asawa na wala ring nagawa kundi umiyak dahil sa labis na panghihinayang.
Doon napagtanto ni Gido na walang madaling daan tungo sa maginhawang buhay, tulad ng sinabi ng kanyang asawa.
Bagamat durog ang kanyang puso habang naririnig ang paghagulhol ng kanyang asawa na nag-aalala kung anong kakainin nila kinabukasan, nagdesisyon siyang muling maghanap ng paraan upang bumangon.
"Hindi ako puwedeng basta sumuko. Ako ang may kasalanan kaya’t ako rin ang maghahanap ng solusyon para wakasan ang paghihirap namin," bulong niya habang iniikot ang kanyang mga mata sa kanilang barangay.
Naisip niyang pumasada ng pedicab, at nang malaman niyang may nagpapaupa ng pedicab sa halagang kwarenta pesos, agad niya itong kinuha at nagsikap na makakuha ng mga pasahero.
Kinagabihan, hindi maipinta ang ngiti niya nang makalikom siya ng dalawang daang piso, agad niya itong iniabot sa kaniyang asawa.
"Pangkain natin ‘yan bukas, mahal. Huwag kang mag-alala, makakaahon din tayo," pangako niya, at simula noon, patuloy niyang ginamit ang kanyang lakas at sipag upang maiangat ang kanilang buhay.
Kapag may sobrang kinita, iniipon ito ng asawa niya hanggang sa makaipon sila ng sapat na kapital para sa isang maliit na sari-sari store.
Sa ganitong paraan, unti-unti nilang natugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan hanggang sa muli siyang makahanap ng trabaho sa Maynila at mabawi ang perang naipatalo sa sabong.
At kahit nakapag-ipon na siya muli ng malaking halaga dahil sa kanyang bagong trabaho, hindi na muling sumagi sa isip niya ang pagsusugal. Sa halip, tinuloy niya ang plano ng asawa na magtayo ng water station, na nagbigay pa ng higit na kasaganaan sa kanilang pamilya.
Hindi na maatim ni Myrna na masaksihan ang paghihirap ng kanyang buong pamilya. Natanggal kasi ang kanyang ama sa trabaho. Dahil may edad na siya, nahihirapan na ring makahanap ng bagong trabaho.
Isa sa mga pinakamalaking gastos ay ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Kaya naman, nagdesisyon siyang magsakripisyo upang makatulong.
"Anak, huwag mo nang aksayahin ang oras. Dalawang taon na lang at matatapos ka na rin ng kolehiyo. Huwag ka nang mag-alala sa amin ng tatay mo, igagapang namin ang pag-aaral n’yong magkakapatid. Plano nga naming itigil muna ang pag-aaral ng mga kapatid mo para matuloy-tuloy ang pag-aaral mo,” sabi ng kanyang inang si Sylvia.
“Bilang panganay, nay, ako na lang po ang titigil sa pag-aaral. Tutulungan ko na lang po kayo. Huwag na po kayong mag-alala sa akin. Nagtanong na rin po ako sa mga kaibigan kong nagtatrabaho sa ibang bansa. Naghahanap daw po sila ng domestic helper sa pamilyang pinaglilingkuran nila. Ipapasok daw po nila ako,” sabi ni Myrna.
Sinubukan siyang pigilan ng kanyang ina, ngunit buo na ang desisyon ni Myrna na umalis. Nagpasalamat naman ang mag-asawa sa kabutihan ng kanilang anak.
Pagdating ng unang buwan ni Myrna sa ibang bansa bilang domestic helper, ipinadala na niya ang lahat ng kanyang kinita sa kanyang pamilya.
“Paglaanan n’yo po ang pag-aaral ng mga kapatid ko, Nay. Kapag sila ay nakatapos, babalik ako sa kolehiyo para makapagtapos din ako at hindi habang buhay mangamuhan dito,” sabi ni Myrna.
“Maraming salamat, anak. Ikaw pa tuloy ang nagdusa sa mga responsibilidad namin ng tatay mo. Huwag kang mag-alala, titipirin ko ang perang ipinadala mo para makaipon ka rin,” dagdag ng kanyang ina.
Walang problema ito kay Myrna. Masaya na siyang makatulong sa kanyang pamilya. Sa loob ng ilang taon, binibigay niya ang lahat ng sahod niya sa Pilipinas. Napansin ito ng kanyang mga kasamahang domestic helper.
“Ibang klase ka, Myrna! Buong sahod talaga ang ibinibigay mo sa mga magulang mo? Sarap ng buhay ng pamilya mo dahil may taga-kayod sila,” sabi ng kaibigang si Daisy.
“Matindi rin naman ang sakripisyo ng mga magulang ko para sa aming magkakapatid. Kaya sinusuklian ko lang ang pagmamahal nila sa amin,” sagot ni Myrna.
“Alam mo, ang mga magulang, gagawa ng anak, bubuhayin, pag-aaralin, tapos ay ibibigay sa iyo ang lahat ng responsibilidad. Parang malaking utang na loob ang ginawa nila, kahit hindi naman natin ginusto ang buhay na ito. Responsibilidad nila iyon sa atin,” sabi ni Daisy.
“Hindi naman sila nanunumbat sa akin. Gusto ko lang talagang tumulong,” muling sagot ni Myrna.
“Ganyan din ako noon, Myrna. Lahat ng ginagawa ko rito ay para sa pamilya ko. Kayod kalabaw kahit pagod na pagod at walang pahinga. Lalaban para mabigyan sila ng magandang buhay. Pero ano ang kapalit? Winawaldas ng kuya ko ang lahat ng padala ko, nalulong sa sugal ang tatay ko, at ang nanay ko ay puro hingi ng panggastos. Kung hindi mo pagbigyan, galit pa at nagtatampo! Kaya simula noon, bumibili na ako para sa sarili ko. Hindi mo rin alam kung hanggang kailan tayo rito. Paano na lang kung may mangyaring masama? Aalagaan ba nila tayo?” reklamo ng kaibigan.
Naisip ni Myrna ang mga sinabi ni Daisy. Lalo na kapag nakikita niyang may mga bagong gamit ang kanyang mga kapatid. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit. Sa tingin niya, masarap nga ang buhay ng kanyang pamilya dahil sa kanyang sakripisyo.
Isang araw, sumama siya kay Daisy sa mall. Marami siyang gustong bilhin, pero iniisip niya pa rin ang budget para sa pamilya.
“O, bakit mo ibinalik ang bag? Bagay na bagay ‘yan sa iyo!” tanong ni Daisy.
“Tumawag sina Nanay kahapon. Kailangan daw nila ng pera dahil may bayarin na naman. Uunahin ko na lang muna ‘yun. Hindi ko rin naman magagamit ang bag na ito,” malungkot na sabi ni Myrna.
“Minsan ka lang bumili para sa sarili mo. Hayaan mo na silang gumawa ng paraan para sa sarili nila. Maglaan ka ng budget. Kung sumobra ang gastos nila, problema na nila ‘yun! Hinahayaan mo kasi silang umasa lang sa iyo. Hindi ka ba naiinggit sa kanila na nagagawa nila ang gusto nila? Hindi sila napapagod tulad natin dito!” sabi ng kaibigan.
Gusto na sanang bilhin ni Myrna ang bag, pero nanaig pa rin ang kanyang pagtulong sa pamilya.
Kinabukasan, tumawag muli si Sylvia upang ipaalala sa anak ang pagpapadala ng pera. Kahit may sama ng loob, magalang pa rin siyang sumagot.
Maaga siyang nagpadala kinabukasan.
Hanggang isang araw, nakita niya ang post ng kapatid sa social media na nasa isang mamahaling cafe.
“Buti pa sila, kayang-kayang mag-enjoy! Samantalang ako, tinitipid ang sarili. Ni hindi makabili ng bagong damit,” sabi niya sa sarili.
Dahil sa mga sinasabi ni Daisy, unti-unting nagkakaroon ng sama ng loob si Myrna sa pamilya. Hanggang sa nasawi ang kanilang amo, kaya kailangan nilang bumalik sa Pilipinas.
Hindi pa ito nasasabi ni Myrna sa pamilya. Alam niyang madidismaya sila. Wala rin siyang ipon.
Nagring ang telepono. Napasimangot siya nang makita ang pangalan ng ina.
“Ano na naman ‘yan, Nay? Manghihingi na naman po ba kayo? Wala na akong pera! Wala na akong trabaho! Wala na kayong mapapala sa akin!” sigaw ni Myrna.
“Anak, hindi naman ‘yan ang dahilan ng tawag ko. Gusto ko lang malaman kung kailan ka uuwi. Ngayong wala ka nang trabaho, maaari ka nang umuwi. Huwag ka nang mag-alala sa amin,” sabi ni Sylvia.
Mabigat man ang loob, umuwi si Myrna sa Pilipinas. Wala na rin siyang magagawa pa.
Buong pamilya ang sumundo sa kanya sa paliparan. Tahimik silang lahat. Alam nilang may sama pa rin ng loob si Myrna.
Pagbaba pa lang ng sasakyan, napansin na ni Myrna ang kakaiba sa kanilang tahanan.
“Ano'ng nangyari sa bahay natin? Nasaan na ang lumang bahay natin?” pagtataka ni Myrna nang makita ang magandang bahay na nakatayo.
“Iyan ang dahilan kung bakit pinapauwi ka na namin. Ayos na ang lahat, anak. Lahat ng padala mo ay nilaan namin sa pagpapaganda ng bahay. May tindahan na rin tayo. Nalaman ng mga kapatid mo ang sakripisyo mo, kaya gumawa rin sila ng paraan para makapag-aral. Ang tatay mo ay nagpatuloy sa paghahanap ng trabaho. Inipon ko rin ang ibang pera mo para makabalik ka sa pag-aaral. Maraming salamat, anak. Ito na ang lahat ng pinaghirapan mo,” sabi ni Sylvia.
Napaluha si Myrna at niyakap ang kanyang mga magulang.
“May mga pagkakataon na nag-isip ako ng hindi maganda sa inyo. Patawad! Hindi ko akalain na ganito pala ang ginagawa ninyo para sa akin!” humahagulgol na sabi ni Myrna.
Dahil sa naipong pera, nakabalik si Myrna sa pag-aaral. Kay sarap sa pakiramdam na makita niyang bawat miyembro ng pamilya ay nagsusumikap upang umunlad ang kanilang buhay.
Ito ang nagbigay lalo ng inspirasyon kay Myrna upang magtagumpay sa buhay.
Ating kilalanin ang dalawang bida sa kwentong ito, na itago natin sa pangalang Rose at Ronnie. Si Rose ay napakagandang babae, na para bang isang bulaklak na namumukadkad sa ganda. Kulay asul ang kanyang mga mata, at mga labi na kay tami's hangkan, balingkinitan ang katawan, na mapapa wow! ka talaga sa sobrang sexy at ganda nito. At mala porselanang mga kutis.
Si Ronnie nmn ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Matangkad ito, moreno, makisig, at may angking kapogian ang binata. Maraming beses na siyang nabigo, umibig at lumuha, umibig ulit at lumuha na nmn, Parang walang hanggang katapusan na pagpatak ng mga luha. Ika nga.
Subalit marami siyang mga pangarap sa buhay, isa nga rito ay ang mabihag ang puso ng dalaga. Masipag na binata si Ronnie, mabait at higit sa lahat mapagmahal, handang ibigay ang lahat sa kanyang iniibig.
Isang araw habang nasa dating tagpuan ang dalawa, naglalakad sa may dalampasigan at minamasdan ang mga alon sa dagat. Sobrang saya ng kanilang bawat sandali, na para bang ayaw mong matapos ang buong araw kasi gusto mo pang makasama ang taong minamahal mo.
Sobrang saya ng kanilang nararamdaman, na para bang lumulutang ka sa mga ulap at idinuduyan sa hangin.
Minsan naman ay nasa ilalim sila ng malaking puno, nakatingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga bituin. Sabay nangangarap na sana ay ikaw na nga, ang aking itininadhana bulong ng lalaki sa sarili.
Ilang mga minuto ang lumipas biglang napalitan ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Na kanina lng ay sobrang saya ng kanilang kwentuhan. kaya nmn biglang napatayo mula sa pagkakaupo ang dalaga, at bigla nmn hinawakan ng binata ang malambot na mga kamay ng dalaga, pagkatapos ay lumuhod sa harapan niya, Sabay sabi ang mga katagang, "I love you with all my heart and soul," at dumukot sa kanyang bulsa at iniabot sa dalaga ang isang engagement ring. At ganitong mga kataga ang sinabi nya sa dalaga.
"WILL YOU BE MY WIFE? Biglang napatigil ang dalaga at hindi halos makapagsalita, na para bang hindi makapaniwala sa nangyayari.
Sabay ulit ng binata, WILL YOU MARRY ME? Oo nmn, tugon ng dalaga, kasabay nito ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga, na buong akala niya ay isang panaginip lng ang lahat. At biglang napayakap ang dalaga sa binata ng buong higpit, At naglapat ang kanilang mga labi.
Makalipas ang Ilang mga taon kailangan iwanan ng binata ang dalaga, para sa kanilang mga pangarap, kaya nmn nagpa alam siya sa dalaga na kailangan niya magtrabaho sa ibang bansa. Na kahit ang totoo, sobrang mamimis niya ito. mamimis niya sapagkat alam niya na matatagalan pa ang kanilang muling pagkikita. Ang kanilang mga tawanan, at mga kwentuhan na kahit minsan ay walang kwentang mga bagay.
Napuno ng lungkot ang kanilang paghihiway. At nangako sila sa isa't isa na walang bibitaw sa kanilang mga pangako, na magsasama sila hanggang dulo.
Ilang mga buwan ang lumipas, ang ating bida na si Rose habang Pauwi ito, galing ng trabaho sakay ng kanyang kotse, nabangga ito ng isang truck na naging dahilan ng pagkadurog ng kanyang sasakyan at agad siyang isinugod ng hospital, Ilang mga araw din bago nagising ang dalaga mula sa pagka koma.
Makalipas ang isang lingo, nabalot ng takot at pangamba ang naramdaman ng dalaga sapagkat sa kanyang paggising, nakita niyang umiiyak ang kanyang mga magulang na dapat sana ay matuwa ito. Hanggang sa madiskobre niya ng pagtingin niya sa salamin, parang pinagsakloban siya ng langit at lupa sa kanyang nakita. Sapagkat ang mala diyosang mukha ay napalitan ng nakakapanlumong itsura. Na damage ang ibang bahagi ng kanyang utak at naapiktuhan ang mga nerves na Naka konekta sa kanyang mukha na naging dahilan para siya ay pumangit.
Binalot sya ng takot, lungkot at pangamba, hindi siya makalabas ng bahay ng Ilang mga buwan, at nagkukulong na lamang sa apat na sulok ng kwarto.
Sa mga panahong iyon palaging tumatawag ang kanyang nobyo. Namimis na siya ng binata, at gustong marinig ang mala anghel na boses ng dalaga. Pero hindi niya ito sinasagot, sapagkat buo na ang desisyon niya na makipaghiwalay sa binata. Sapagkat hindi na ako ang dating ako.
"Hindi na ako maganda, ang pangit ko na sobra," bulong ng dalaga sa sarili. Sobrang mahal niya ang binata pero kailangan niyang gawin ito. Ang makipaghiwalay sa binata. masakit sa pakiramdaman para sa kanya, sobrang sakit, parang unti unti siyang pinapatay sa sinapit ng kanyang buhay.Pero kailangan niya ang magpakatatag, at harapin ang hamon ng buhay ng mag isa.
Dalawang taon ang makalipas, nagulat ang dalaga sa narinig mula sa kanyang Ina. Pinuntahan siya sa kanyang kwarto, sabay sabing, Nasa labas ng Pintuan si Ronnie hinahanap ka bulong nito Kay Rose.
"Ikakasal na siya at inaabot sa dalaga ang hawak na wedding invitation card."
Biglang nadurog ang puso ng dalaga ng malaman niyang ikakasal na ito. Dahil hanggang ngaun ay mahal pa rin niya ang binata. Agad nmn niyang binuksan ang weeding invitation card.
Halo halong mga imosyon ang nasa dibdib ng dalaga, subalit laking gulat niya ng mabasa ang kanyang pangalan sa wedding invitation. Sa pagkakataong iyon biglang pumasok ang binata sa kanyang kwarto na may hawak na bulaklak. lumuhod ito sa harapan niya at sabay sabi will you Marry me?
Biglang pumatak ang mga luha ng dalaga ng marinig niya ito Mula sa binata, Na agad naman siyang niyakap ng binata, sabay halik ng mariin sa kanyang mga labi.
Makalipas ang isang taon, nauwi na sa dambana ang pag iibigan nilang dalawa. Kaya mapapa Slsana all ka nlng talaga, at sasabihin mo sa iyong sarili na, Sana lahat ng pinagtagpo ay itinadhana. Kasi ako pinagtagpo na tayo, pero sa iba ka pla itinadhana.
At Ito lng ang nasasabihan ko, ang tunay na pag ibig, hindi kailanman kukupas, kumupas man ang kagandahan ng ating minamahal.
Kamusta ulit mga kaibigan? narito na nmn ako magbabahagi ng isang kwento ito ay tungkol sa dalawang taong Pinagtagpo, Ngunit, sila nga ba ay itinadhana? Dahil, kailangan iwanan ng lalaki ang babae sa loob ng 20 years para lamang magtrabaho sa malayong lugar at tuparin ang mga pangarap. Kaya, alamin natin lahat yan mula umpisa hanggang sa dulo ng storyang ito na tiyak maghahalo ang iyong mga imosyon.
Ating kilalanin ang dalawang bida sa kwentong ito. Ang lalaking ito ay mahirap lamang kaya hindi niya kayang tustusan ang pangagailangan ng binubuo niyang pamilya. kaya nmn, kailangan niya ang magtrabaho sa malayong bayan para sa pamilya at sa mga pangarap. At ito lamang ang nag iisa niyang kahilingan para sa kanyang minamahal.
"Pakiusap hintayin mo ako, maging tapat ka sa akin dahil tapat ako sayo, hintayin mo ang aking pagbabalik para ipagpatuloy ang mga pangarap natin."
At ganito lamang ang naging sagot ng babae sa kanya. Sige honey papayagan kitang umalis, alam kung mamimis kita at hahanapin kita, at alam kung ilang taon pa ang hihintayin ko makasama lang kitang muli, pero kaya kung maghintay kahit gaano pa katagal, dahil mahal na mahal kita, tugon ng babae.
huwag kang magpapadala sa akin ng pera, dagdag pa nito, dahil ayaw kung isturbuhin ka. Mag ipon ka ng pera para sa kinabukasan natin, para sa pagbabalik mo maninirahan tayo ng masaya kasama ang mga magiging anak natin. Ako nmn, magpapatuloy ako ng pag tatrabaho dito sa atin. Kahit maliit lng ang kita.
Kaya nmn ang nobyo ng babaeng ito, ay nagsimula ng maghanap ng trabaho. Naglakad lamang ito ng ilang mga araw, hanggang sa makakita siya ng isang farm owner, na nangangailangan ng magsasaka.
Bago siya magsimulang magtrabaho, Kinausap niya ang may ari nito sa kundisyon na gusto niya. Hayaan mo akong magtrabaho sa iyo ng mahabang panahon hanggang sa gusto ko, hindi ko kukunin ang sasahurin ko, nakikiiusap ako sayo, na itabi mo lng ito, hanggang sa aking pag uwi at ibigay mo sa akin ng buo, bigyan mo lng ako ng makakain sa pang araw araw.
Naging maayos nmn ang kasunduan ng dalawang ito, Ang lalaking ito ay nagtrabaho sa loob ng 20 years ng walang day off.
At dumating na nga ang panahon na gusto na niyang umuwi. Sa haba ng panahon na kanyang pag ta trabaho. Sobrang namimis na niya ang kanyang nobya. Kaya nmn pinuntahan niya ang kanyang amo at sinabi nito, kailangan ko na pong umuwi, ibigay niyo po sa akin ang lahat ng perang kinita ko sa loob ng mahabang panahon, na pagtatrabaho ko sayo.
"Meron tayong kasunduan at pinanghahawakan ko iyon, tugon ng kanyang amo," Bago ka umalis meron akong tatlong alok sa iyo, sa halip na pera may alok ako sayo na tatlong payo. Pag nagbigay ako sayo ng pera hindi mo makukuha ang tatlong payo ko para sa iyo. Pag nagbigay nmn ako sa iyo ng payo hindi mo makukuha ang pera na pinaghirapan mo ng mahabang panahon.
"Ngaun pumunta ka sa iyong silid at pag isipan mong mabuti kung alin sa dalawa ang pipiliin mo? Ang lalaking ito ay nag isip sa loob ng dalawang araw. At kanya nga napag desisyonan ang alok na kanyang napili. Kaya naman pinuntahan niya ang kanyang Amo at sinabi nito. Ang pinipili ko ay ang tatlong payo. At muli siyang binalaan ng kanyang amo. kung ibibigay ko sa iyo ang tatlong payo, hindi kita bibigyan ng pera. Kung ibibigay ko nmn sa iyo ang pera, hindi mo makukuha ang tatlong payo ko para sa iyo, Ngunit ipinilit ng lalaki ang kanyang kagustuhan. At ito ay Ang tatlong payo. Una huwag kang tumingin sa madaling paraan sapagkat magbibigay lng ito sa iyo ng masamang kapalaran. Pangalawa huwag kang mang usisa kasi minsan ay humahantong ito ng kamatayan. Pangatlo huwag kang magdesisyon pag sobrang galit ka, dahil maaring pagsisihan mo ito at maging huli na ang lahat. Pagkatapos nito ibinigay ng kanyang Amo ang tatlong peraso ng tinapay sa kanya. Ang dalawa ay baon mo ito sa iyong paglalakbay at ang isa nmn ay para sa iyong nobya pagkauwi mo ng bahay.
kaya nmn makalipas ang 20 years na pag tatrabaho muli na niyang makikita at makakasama ang kanyang pinakamamahal na nobya. sa unang araw na kanyang paglalakad, nakasalubong niya ang isang di kilalang lalaki, at ang sabi nito, Saan ka papunta? Pauwi na po ako sa amin, tugon niya, kaya lng sobrang layo pa ng lalakarin ko bago ako makarating, at muling sumagot ang lalaki, sa kabilang daraanan ka dumaan, ang daan na iyon ay mas malapit ng apat na beses sa iyong paroroonan, kaya nmn doon siya dumaan kung saan mapapapibilis ang kanyang paglalakbay.
Habang naglalakad bigla niyang naalala ang unang payo para sa kanya. At pagkalampas sa isang maliit na bayan, nakakita siya ng isang taong nakaabang, marahil ito ay holdaper. kaya nmn hindi siya nagpatuloy sa paglalakad, buti nlng nakakita siya ng isang bahay, at doon siya nagpahinga hanggang siya ay makatulog.
Maya maya lamang, bigla siyang nagising sa isang malakas na sigaw, kaya nmn bigla siyang napatayo para alamin ang nangyayari. Sa pagkakataong ito, bigla niyang naalala ang pangalawang payo para sa kanya. kya nmn, hinayaan na lamang niya ito at muling bumalik sa kanyang pagtulog.
Kinaumagahan ang tagapangasiwa ng bahay na ito, ay tinanong siya nito. Narinig mo ba ang malakas na sigaw kagabi? Tanong nito sa kanya, At sandali silang nagka kwentuhan, Sabay sabi nito, na niligtas nito ang buhay mo, ang isa sa mga kapitbahay namin dito at sira ulo palaging sumisigaw pagsapit ng gabi, ng sa gayun makaagaw ng attention sa mga tao. Pag meron isang di kilalang tao ang pumuponta sa may kalsada ay sinusubukan niya itong patayin.
Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad sapagkat malayo layo pa ang kanyang lalakbayin. Ilang oras ang makalipas nakarating na siya sa kanilang maliit na tahanan. Habang papalapit siya sa kanyang paglalakad. nakita niya sa labas ng bintana na ang kanyang nobya ay meron itong kayakap na isang binata, kaya nmn hindi niya mapigilan ang sarili, ang sobrang galit na nararamdaman. Kailangan niyang malaman ang kasagutan kung ano ang ginagawa ng dalawang taong iyon. Pero napag isip isip niya, na kailangan niyang pakalmahin ang sarili, na baka kung ano pa ang kanyang magawa sa dalawang taong ito.
Kaya nmn sa labas ng bahay na lamang siya natulog at nagpalipas ng umaga. Kinaumagahan dito na sya naglakas loob para kausapin ang kanyang nobya. Sa labas pa lamang ng pintuan, ay agad siyang sinalubong ng kanyang nobya nung makita siya nito. At saka niyakap ng mahigpit, sabay halik ng mariin sa kanyang mga labi. Ngunit, ang lalaking ito ay sinusubukan ang umatras at kumuwala sa yakap ng babae. Subalit hindi siya makaalis, sapagkat mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya, sa pagkakataong iyon biglang tumulo ang mga luha ng lalaki. sabay sabi, naging tapat ako sayo pero niloko mo lng ako, pasigaw na sambit nito habang umiiyak.
Kaya naman biglang nagulat ang babae sa narinig mula sa kanya. Paano kita niloko? hindi kita niloko? hihintay kita sa loob ng 20 years, dahil mahal na mahal kita, tugon ng babae.
"At sumagot ang lalaki, E sino ung lalaking kayakap mo kagabi?
Ano ba ang sinasabi mo? Tugon nmn ng babae.
Ang batang iyon ay anak natin, Noong umalis ka, doon ko lng nalaman na buntis pla ako ng mga panahon na iyon. 20 years old na siya ngaun. Biglang napalitan ng tuwa ang kanyang nararamdaman ng marinig niya ito mula sa kanyang nobya, at kasabay nito muling pumatak ang kanyang mga luha. At malaki ang pasasalamat niya sa mga payo na ibinigay sa kanya ng kanyang Amo. At humingi siya ng kapatawaran mula sa kanyang pinakamamahal na nobya.
Sa pagkakataong iyon, naupo sa mesa ang babae, at kanya nmng kinuha ang nag iisang tinapay na para sa kanyang nobya.
Pagkahiwa niya dito, laking gulat nila, ng tumambad sa kanila ang baryang mga ginto na mas malaki pa ang halaga, kesa sa kanyang sweldo sa loob ng 20 years na pagtatrabaho.
Kaya masasabi ko na talagang may forever, dahil darating din yan. Malay mo pinagtagpo nga kayo pero sa akin ka pala itinadhana haha.
Ang kasal ay isa sa mga pinapangarap ng bawat tao sa buong mundo, at pinaka hihintay ng dalawang taong nag iibigan. Na maging ala-ala at katibayan ng kanilang pagmamahalan, na masarap balik balikan ika nga. Ngunit Sa kwentong ito alamin natin ang storya, Ang paghihinganti ng bride sa kanyang groom sa araw mismo ng kanilang kasal. Ng matuklasan niyang niloloko siya nito, Kaya alamin natin lahat yan sa ating pagpapatuloy na tiyak magbibigay ng aral at leksyon sa buhay.
Kapag tayo ay nagpakasal sa isang tao, pumapasok tayo sa bagong yugto ng buhay, At halo halong mga imosyon ang pumapasok sa ating isipan, At walang katulad na kaligayahan ang mararanasan ng sinoman. Puno ng kaba at takot na mararamdaman. Sapagkat ito na ang huling araw na magpapaaalam kana sa pagiging single. At Magiging isa na kayo ng taong pinakamamahal mo, Ang taong pinili mong makasama habang buhay. Na makakasama mo sa hirap at ginhawa, ika nga.
Kaya, ating kilalanin ang dalawang bida sa kwentong ito, Ang babaeng ito ay itago natin sa pangalang Ana, anim na taon na silang magkasintahan ng kanyang nobyo na itago natin sa pangalang Dave. At walang dahilan para iwanan niya ang binata, sapagkat ipinapakita sa kanya kung gaano siya nito kamahal, kung gaano siya kahalaga sa buhay ng lalaking kanyang iniibig. Ramdam niya na mahal na mahal siya ng lalaki at ganun din nmn Si Ana sobrang mahal niya ang binata.
At lumipas pa ang ilang mga buwan, alam nila sa isat isa na mauuwi sa altar ang kanilang pag iibigan. Gaya nga ng isang linya, bakit pa patatagalin kung sa simbahan lang din nmn ang tuloy.
Kaya nmn nung nag propose sa kanya ang binata ay agad niya itong sinagot ng walang pag aalinlangan. Sapagkat mahal niya ang binata at walang dahilan para tanggihan niya ito. Kaya nmn nung matapos ang kaganapang iyon. Pinaghandaan nila ng husto ang nalalapit nilang pag iisang dibdib. Excited ang kani kanilang pamilya sa nalalapit nilang kasalan. At maging ang mga malalapit nilang mga kaibigan at mga kamag anak ay dadalo sa kanilang kasal.
Pero minsan talaga kahit gaano niyo pa kamahal ang isat isa, ung inaaakala mong kilala mo na ng lubusan ang taong iniibig mo, may nakatago pala itong inililihim. Sapagkat isang gabi, bago ang araw ng kanilang kasal ay para siyang pinagsakloban ng langit at lupa sa kanyang matutuklasan mula sa kanyang groom. Na kahit sino nmn ay mag uumapaw sa galit ang iyong mararamdaman sa mga eksinang ito. Subalit mapalad pa rin siya sapagkat natuklasan niya na hindi pa sila kasal.
Isang gabi habang nasa isang hotel si Ana kasama ang mga kaibigan. Naka tanggap siya ng isang text messages mula sa isang hindi kilalang numero. kaya nmn binuksan niya ito at binasa ang mga text messages dito, Na may halong pagtataka sa kanyang isipan at kinakabahan habang binabasa ang mga minsahe.
At ito ang kanyang nabasa, Ikakasal na ako sa kanya, ikaw ba? At nasundan pa ito ng mga larawan ni Dave kasama ang ibang babae na naglalambingan. At screenshots ng mga palitan ng mga text messages ni Dave at ng babae nito. Ito ay malinaw na niloloko siya ng kanyang fiance, nakikipag kita pa ito sa ibang babae at may relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa.
Ang mga litrato ni Dave at ng babae nito ay talaga nmng sobrang sakit sa dalaga. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa kanyang nakita.
Hindi siya makapaniwala, na sa loob ng anim na taong nilang pagiging magkasintahan ay magagawa pang lolokohin siya nito. Ang taong pinakamamahal niya pa, Ang taong pinag katiwalaan niya pa, Ang mananakit sa puso ng dalaga. Kaya nmn sobrang nadurog ang puso ni Ana, at hindi niya mapigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha.
Buong gabi siyang hindi makatulog sa pangyayaring iyon, buti na lang nasa tabi niya ang kanyang mga kaibigan na nagpawi ng kanyang mga luha. Na e kwento ni Ana sa kanyang mga kaibigan ang pang yayaring iyon. Ang ginawang panloloko ng kanyang fiance.
Pinayuhan siya na tawagan na lamang si Dave at e pa kansel ang kanilang kasal. Subalit hindi siya basta basta na lamang papayag na e kansela ang kasal ng ganun lang. Masyado ng huli ang lahat. Gusto niyang maghiganti sapagkat sinaktan siya nito ng sobra. Kung e pa kansel niya ang kasal ay siya ang talunan.
Gumastos na ng malaki ang kanyang pamilya at ang mga kaibigan niya, at ang ibang mga dadalo ay nanggaling pa sa malalayong lugar. Kung kakanselahin ang kasal ay masyadong unfair. At ang lahat ay bayad na, Ilang oras nlng ay magaganap na ang engranding seremonya.
Hindi siya makatulog sa gabing iyon ang nasa isipan niya ay si Dave. Ang kanilang mga magagandang alala, na para bang nag flash back sa dalaga. Mahal pa rin niya ang binata pero alam niya sa sarili niya na hinding hindi na niya pakakasalan ito. Sinabi niya sa kanyang mga kaibigan na ang kanilang kasal ay tuloy pa rin.Subalit siya lamang ang nakakaalam sa kanyang binabalak na paghihinganti sa araw ng kanilang kasal. Kung paano siya makakaresbak kay Dave.
Kinaumagahan isinuot n ni Ana ang kanyang wedding gown. At ngaun niya ibubunyag kong ano ang tunay na pagpakatao ni Dave.
Dumalo siya sa Wedding ceremony na may ngite sa kanyang mga labi, na kahit ang totoo ay hindi na kaya, at sobrang nasasaktan na.
Subalit walang sinoman ang makakapagsabi na sobrang nasaktan ang dalaga. Sapagkat napakaganda pa rin ng dalaga habang suot ang wedding gown. Na para bang isang Prinsesa, habang lumalakad siya sa red carpet at humahakbang ng papalapit sa kanyang Groom, Galit at poot ang nasa puso ng dalaga, Subalit walang sinoman ang nakakaalam nito. Habang nakatayo siya sa harap ni Dave, lumingon siya sa kanyang mga kaibigan at pamilya bago nagsalita, at napa buntong hininga.
"Sabay binitawan ang mga salitang."
"Wala ng kasalang magaganap sa araw na nito!!
Nagulat ang kanyang pamilya at mga bisita sa kanilang narinig at napuno ng katahimikan ang lahat.
"Hindi siya ang Dave na dating Kilala ko! pasigaw na sambit ni Ana. Kaya nmn nagimbal si Dave sa narinig mula sa kanyang fiance at napahawak ito sa kanyang kamay. At napansin niya ang hawak na cellphone ng dalaga.
Binasa ni Ana ng malakas ang mga text messages ni Dave mula sa ibang babae. Ang kanilang palitan ng usapan, ang ginawang panloloko ni Dave kay Ana.
Sa pagkakataong iyon, hinihintay pa niya ito na huminge ng kapatawaran sa kanya. Subalit umalis lamang ito ng walang binitawan na mga salita.
Sobrang kahihiyan ang dinanas ni Dave mula sa mga binitawang salita ni Ana.
Sa mga oras na iyon, ganitong mga kataga ang sinabi niya sa mga bisita.
"Mahal ko kayong lahat, tuloy pa rin ang wedding reception.
"Finding true love and following your hearts even when it hurts sambit pa ni Ana."
Masakit man ang naging karanasan ni Ana hindi pa rin siya nagpatalo ng imosyon. Hindi siya umalis ng wedding party, kasama ang pamilya at mga kaibigan. At nakipag sayaw siya kasama ang mga kaibigan na may ngite sa kanyang mga labi.
Ating kilalanin ang dalawang bida sa kwentong ito na nag ngangalang Rona at Carlo. High school pa lamang sila ay matalik na silang magkaibigan maganda ang dalaga maputi at makinis ang mga balat na para bang isang anghel na nahulog mula sa langit, Kaya nmn siya ang pinapangarap ng binata na makasama at maihatid sa altar.
Isang araw, habang masayang nag uusap ang dalawang magkaibigan, Ganitong mga kataga ang binitawan ng binata.
"Sampung taon mula ngaun kapag hindi mo pa nahahanap ang forever mo papakasalan mo ba ako? Tanong niya sa dalaga,"
"At Sumagot nmn Ito ng, Oo ba, nakangiting sagot ng dalaga."
"Talaga ba? Muling tanong ng binata."
"Oo nmn Pangako, sagot muli ng dalaga."
Kaya nmn sobrang saya ng binata ng mga oras n iyon.
Sa pagkakataong iyon, kumuha ang binata ng isang notebook at pinagtibay ang Pangako nila Sa isat isa. Sa pamamagitan ng pirma ng dalaga.
At Matapos ang graduation nila ay may kanya kanya na silang tinatahak na landas at mga pangarap.
Lumuwas ang binata ng maynila para maghanap trabaho. Ang dalaga nmn ay nanatili sa kanilang probinsya upang doon mamasukan.
At Makalipas ang walong taon nakatangap ang binata ng isang tawag. kaya nmn nagmamadali siyang nagtungo sa lugar na iyon.
Isang magandang binibini ang kanyang nadatnan sa hospital na iyon. Na nagtatangkang wakasan ang buhay nito.
Ang dalaga na iyon, ay ang kanyang matalik na kaibigan na ngangalang Rona. Buti na lang nandon ang binata na dumamay sa dalaga. Siya ang naging balikat at iyakan ng dalaga sa mga oras na iyon.
At Makalipas ang Ilang mga buwan nailigtas muli ng binata ang buhay ng dalaga sa muli nitong tangkang pagpapakamatay. Sapagkat sa mga panahong iyon, pagod na ang dalaga, puro pasakit at kabiguan na lamang ang kanyang nararanasan, at iniiwan siya ng mga lalaking iniibig, at niloloko lng sya ng mga ito. Kaya gusto na nyang wakasan ang kanyang buhay.
Subalit palaging nandyan sa tabi niya ang binata na handang dumamay sa kanya at makinig sa mga hinaing nito. At makikita mo ang tibay at determinasyon ng binata, Na talaga nmng kukurot sa puso mo kung gaano siya katatag para s dalaga. na kahit paulit ulit sinasaktan ang dalaga sa mga nagiging nobyo nito, ay palaging nandyan ang binata para magpawi ng kanyang mga luha.
Nasa tabi niya palagi ang binata para lamang mailigtas ang buhay ng dalaga. At makikita mo na sobrang mahal niya ang dalaga, na hindi kayang banggitin ng mga salita. Na kahit walang kasiguraduhan ang binata sa puso ng dalaga, ay handa siyang sumagal para rito. At hindi umaasa na masusuklian ang kanyang pagmamamhal. sapagkat may iba itong mahal, at siya ay taga buo lng, taga buo lng, pag wasak ang puso ng dalaga. "Isa lang siyang back up plan, plan b ika nga, takbuhan ng sugatang puso."
Makalipas ang 5 buwan muling nailigtas ng binata ang dalaga sa tangkang pagpapakamatay. Wasak at durog na durog muli ang puso ng dalaga sa mga oras na iyon. Parang wlang hanggang katapusan na kabiguan ika nga.
Sa mga panahong iyon, pagod na ang dalaga sa mga ungas na mapanakit sa kanyang puso. Kaya pumapasok sa isipan nya ang mga salitang, "ayaw ko ng mabuhay sa mundo".
Sapagkat halos lahat ng mga lalaking iniibig niya ay niloloko lng siya ng mga ito at ipinagpapalit sa malapit, Subalit ang pagmamamhal ng binata sa kanya, ay hindi niya nakikita ang halaga nito. ganun pa man umaasa pa rin ang binata, na matatauhan ang dalaga sa kanyang kahibangan sa mga lalaking ungas, at maibabaling ang atensyon nito sa kanya.
Na kahit paulit ulit niyang ipa alala sa dalaga. ang ganitong mga kataga, tanggapin mo na ang katutuhanan na walang ibang nagmamahal sayo, kundi ako lng. Ako lng ang totoong nagmamanhal sayo. At Kapag nasasaktan ka, mas lalo akong nasasaktan, Sambit ng binata.
Makalipas ang sampung taon, Ang panahon na pinakahihintay ng binata. ang pangako nila Sa isat isa, kaya nmn sobrang excited ng binata sa mga oras na iyon. Sapagkat ito na ang panahon ang katurapan ng kanyang pinakahihintay. Ang mapa sa kamay niya ang dalaga.
Subalit isang liham ang muli niyang Matutuklasan, Kung Saan naroon ang dalaga, ang Babaeng pinakamamahal at hinintay ng mahabang panahon, ay gusto muling wakasan ang buhay nito.
Kaya nmn dali daling tumakbo ang kawawang binata para muling hanapin at iligtas ang dalaga, sa tiyak na kapahamakan.
Sa mga oras na iyon ay nadatnan niya ang dalaga, na gusto ng Tapusin ang buhay nito.
At Isang kataga ang binitawan ng dalaga.Walang Totoong nagmamahal sa akin, Ayaw ko ng mabuhay pa sa mundo.
"Sambit niya sa binata habang Patuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha."
"Kaya nmn, ganitong mga kataga ang binitawan ng binata, Naaalala mo pa pb? ang napag kasunduan natin, na sampung taon ang makalipas ay magpapakasal tayo. Tingnan mo ito, Ang Pangako natin sa isat isa na pinagtibay ng iyong pirma. Diba ito ang tunay na pagmamahal? sambit ng binata.
Isang notebook na hawak ng binata, na kung saan nakasulat ang pangako nila sa isat isa.
Sa narinig ng dalaga, ay laking gulat niya sapagkat nasa harapan na niya ang binatang naging parte pala ng kanyang buhay.
Nag flashback sa dalaga ang kanyang mga binitawang pangako sampung taon na ang nakalilipas. Subalit isang Maikseng sagot ang dumurog sa puso ng binata, na para siyang pinagsakloban ng langit at lupa.
"Patawad, isang kasinungalingan lang ang lahat ng iyon, biro ko lamang iyon, tugon ng dalaga. kasabay nito isang lalaki ang biglang sumulpot na nagmula sa kanilang likuran, at iyon ay ang lalaking ungas na mapanakit sa puso ng dalaga. Subalit sa huli, ito pa rin ang pinili ng dalaga, At Hindi niya nakita ang halaga ng binata na siyang tunay n nagmamahal.
Naiwan na lamang ang binata na durog ang puso, at mga luha na nag uunahan sa pag agos, nasayang lang ang sampung taon na kanyang paghihintay sa dalaga.
Habang pauwi si Jasmin, naipit sya sa gitna ng rambulan. Ng dalawang groupo ng mga gang. Sa tagpong iyon, isang makisig na binata na nag ngangalang Ronnie ang nagligtas sa kanya, na agad nmn hinawakan ng binata ang mga kamay ng dalaga at tumakbo ng papalayo, ng sa gayun ay matakasan ang mga ito. At dito na nagsimula ang kwento, ng dalawang mga nilalang n ito. At pakiramdam ng dalaga ay ligtas siya sa mga braso ng binata. Sa pag kakataong iyon, ay agad nmn na Kinuha ng binata ang number ng dalaga.
Simula noon ay naging madalas na ang kanilang pagkikita, at dahil pareho nmn sila may pag tingin sa isat isa, ay naging magkasintahan ang dalawa.
Maganda ang dalaga, maputi, makinis ang mga balat at balingkinitan ang katawan. Na talaga namang jackpot ang binata na daig pa ang nanalo sa lotto. At Habang masayang nag uusap ang dalawang magkasintahan, ay dumating nmn ang Ama ng dalaga na nag ngangalang Jayson, upang sunduin ang kanyang anak.
Ilang mga araw ang makalipas habang naglalakad ang binata, kasama ng mga tropa nito. Ay agad na sinalubong siya ng kanyang nobya na may iniabot sa kanya na isang regalo, sapagkat monthsarry nila ng araw na iyon. Ganun niya ka mahal ang binata, gaya nga ng isang linya, pag mahal mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat para sa ikasasaya nito.
Sa madalas nila na pag kikita ng dalaga, ay Natiktikan Ito ng kanyang Ama.
Sa kasamaang palad ay tutol ang ama ng dalaga sa kanilang pag iibigan. At pilit silang pinaghihiwalay ng binata.
"hiwalayan mo na!, ang hampas lupa na lalaki n iyon! "pasigaw na sambit ng kanyang ama.
Tahimik lamang ang dalaga at hindi makasagot sa mga oras n iyon. mahirap lng kasi ang kanyang nobyo, at gusto ng kanyang ama ay isang mayaman din na gaya nila ang mapangasawa ng kanilang anak.
Gayun pa man kahit may isang malaking hadlang sa kanilang pag iibigan. handa parin ang dalaga na ipaglaban ang kanyang pagmamahal sa binata at walang sinuman ang makakahadlang nito. Ganun din nmn ang binata, handang ipaglaban ang kanyang pagmamahal para sa dalaga, at handa niyang patunayan ito.
Nagpatuloy pa rin ang pag kikita ng dalawang magkasintahan. Hanggang sa isang araw, ay nalaman ito ng kanyang Ama. At ganitong mga maaanghang na salita ang binitawan ng kanyang Ama.
"Diba sinasabi ko sayo!, noon pa man, na hiwalayan mo na ang hampas lupa na iyon!" dahil wala kang mapapala sa lalaki na yon.
Ano ang ipapakain niya sayo? hindi ka mabubuhay ng puro pagmamahal lng!" Pagalit na sambit ng kanyang ama.
"Mahal ko sya, maikseng tugon ng dalaga, Habang pumapatak ang kanyang mga luha. At isang malakas na sampal ang iginante ng kanyang Ama sa kawawang dalaga.
"Paghandaan mo ang iyong engagement sa susunod na buwan muling sambit ng kanyang ama. Saka iniwan ang dalaga na patuloy ang pag agos ng mga luha.
"Kaya nmn, pagkatapos ng pang yayaring iyon. Nakipagkita Siya sa binata. At sinimulan nilang bumuo ng sariling pamilya.
Naging maayos nmn ang kanilang pag sasama na puno ng saya at Pag mamahal.
Subalit isang malaking Pag subok ang kailangan nilang harapin at malampasan. Ipinapahanap ng mga utoridad ang dalaga sa utos ng kanyang Ama, at nais ipapatay ang binata, at pinaratangan ito ng kidnapping sa kanilang Anak.
Isang araw habang naghahanda ng makakain ang dalaga ay nahilo ito, Na naging dahilan na bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay.
"Kaya nmn, agad siyang isinugod ng hospital ng binata. Pakiramdam ng binata ay pinagsakloban sya ng langit at lupa, para sa kanyang pinakamamahal na nobya.
Sa mga oras na iyon ay galit at poot nmn ang nasa puso ng ni Jayson. Sa tindi ng galit nito ay isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa binata.
Subalit walang kinakatakutan ang binata, at handa niyang patunayan sa ama ng dalaga, na tapat at totoo ang kanyang Pag ibig sa anak nito.
Pagkalabas niya ng hospital, habang naglalakad ang binata ay hinarang siya ng mga armadong lalaki at pinagbabaril, na tumama nmn sa katawan ng kawawang binata.
"Sakto namang may nakakita sa pangyayaring iyon at agad naisugod ng ospital ang binata, dalidali itong dinala sa emergency Room para mabigyan ng agarang lunas. dahil puno na ang mga silid sa ospital, ay sakto namang doon sya naipwesto sa silid ng babae nyang pinakamamahal."
"Kaya nmn, laking gulat ng dalaga, sapagkat sa kanyang pag gising ay nasa tabi niya ang binata na walang malay at nag aagaw buhay. Kaya nmn bumuhos ang mga luha ng dalaga ng mga oras na iyon. Hindi siya makapaniwla na magagawa iyon ng kanyang ama, Ang ipapatay ang binata. Buti nlng hindi matindi ang tinamong pinsala ng binata.
Sa kasamaang palad ay hindi pa ito makapagsalita ng mga oras na iyon.
"Kaya nmn, walang magawa ang dalaga kundi ang hawakan ang mga kamay ng binata, at ibulong sa hangin ang mga salitang.
"Pakiusap, huwag mo akong iwan, diba sabi mo, may mga pangarap pa tayo at bubuo pa tayo ng isang masayang pamilya, At magsasama Habang buhay".
Makalipas ang dalawang buwan nakalabas na ng hospital ang binata gayun din nmn ang dalaga, at muling itinuloy ang kanilang Pag iibigan na muntik ng humantong sa wala.
At nag pasya na rin silang mag isang dibdib.
Makalipas ang dalawang taon ay nagbunga na ang kanilang pag iibigan ng isang kambal na anak.
At huminge nmn ng kapatawaran sa kanilang dalawa, ang ama ng dalaga sa nagawa nitong pagkakamali. At Napag tanto nya, na ang tunay na pag ibig ay pantay pantay at wlang pinipili, magkaiba man ng istado ng buhay ay hindi ito hadlang para sa dalawang taong nag iibigan.
Araw na ng kanilang kasal noon, subalit may isang malaking problima, Mahal pa ni Vanessa ang ang ex boyfriend niya. May forever nga ba sila? o makikipagbalikan ang dalaga sa dating nobyo? Saan kaya hahantong ang pag-iibigan ng dalawang mga nilalang na ito? Mala fairy tale nga ba ang storya ng kanilang pag iibigan o isang kahibangan lng ang lahat? Kaya alamin natin lahat yan sa ating pagpapatuloy....
Napakaganda mo Vanessa magkikita din tayo mamaya sa oras ng ating kasal."mahal kita, sambit ni Bryan.
"Si Bryan na ang pinakamalambing na lalaki, napakaswerte mo, dahil natagpuan mo na ang iyong soulmate. Sambit ng kanyang kaibigan na ni Shiela.
"Hindi ko alam kung ang pagpapakasal kay Bryan ang tamang desisyon. Hindi ko mapigilang isipin si Mark . Tugon niya sa matalik na kaibigan.
"Mark? Ang iyong dating kasintahan na niloko ka at pinapaiyak ka sa lahat ng oras, iniisip mo siya? habang mayroon ka ng Bryan na iniintindi ka at tinuturing na parang isang Prinsesa?
"Alam ko, hindi ko siya maalis sa isip ko. paano kung nagbago n siya? Tugon niya sa kaibigan.
"Ang mga lalaki na tulad niya ay hindi nagbabago at bukod sa hindi mo masisimulan ang susunod na kabanata ng iyong buhay, kung patuloy mong binabalikan ang nakaraan. Kailangan mong magpatuloy Vanessa. Muling sagot ng kanyang matalik na kaibigan.
"Salamat naman, akala ko hindi na ako aabot sa tamang oras.
Sa gitna ng pag uusap ni Vanessa at ng kanyang matalik na kaibigan ay dumating kasi ang ex boyfriend ni Vannesa na si Mark at niyaya niya ito na sumama sa Kanya.
"Ano ang ginagawa mo dito. Sambit ni Vannesa, sa dating nobyo."
"Alam kong hindi ito ang magandang panahon, ngunit hindi ako mapalagay kung hindi ko ito masasabi sayo. hindi ko mapigilan ang pag-iisip tungkol sa iyo Vanessa, pakiusap huwag kang magpakasal kay Bryan. Magsimula tayo ulit?
"Seryoso ka? Tugon nmn ni Vannesa.
"Alam kong nagkamali ako noon, ngunit hindi na ako ang lalaking iyon. ipinapangako ko Nagbago na ako.
"Seryoso kaba talaga? Sambit Muli ni Vannesa.
"Oo nmn, mahal na mahal kita Vannesa.
"Mahal din kita, Mark.
Sumama ka sa akin; umalis na tayo dito, magsimula tayo ng bagong buhay na magkasama. Sambit ni mark .
"Oo Mark, sasama ako sayo. sa pagkakataong iyon ay sumama si Vannesa sa dating nobyo at hindi nya sinipot ang kanilang kasal ni Bryan.
Umalis si Vannesa habang ang kanyang abay na babae ay nakatayo roon sa kawalan. Alam nito kung gaano kalaki ang nagawa niyang pagkakamali.
Masaya si Vanessa sa kanyang bagong buhay kasama si Mark, na nagsimula ang magandang pakikitungo nito sa Kanya. Pakiramdam niya ay natagpuan na niya ang kanyang forever.
"Di’ nagtagal nagsimulang bumalik si Mark sa dati niyang gawain. May iba pa pala itong mga babae maliban sa kanya. Nagsimula na siyang magsinungaling Kay Vannesa at naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya.
"Kaya nmn, sobrang nasaktan si Vannesa sa ginawang panloloko sa kanya ni Mark. At dumating sa punto na, naki pag hiwalay sa kanya si Mark dahil sumama ito sa ibang babae. Sa Pagkakataong iyon ay parang dinudurog ang kanyang puso. Pinagsisihan niya na ipinagpalit nya ang kanyang fiance at sumama sa dating nobyo.
Isang araw, ay muling nag krus ang kanilang mga landas, ng dating nobyo.
Pwd ba tayong magsimulang muli? sambit nya kay Bryan na dating kasintahan.
"Patawad, pinagsisisihan ko na ang lahat, ang ginawa kong hindi pagsipot sa kasal natin. Gusto ko lang sabihin sayo na, Humihingi ako ng paumanhin sa nagawa ko. Alam kung nasaktan Kita ng sobra, hindi ako dapat bumalik sa dati Kong nobyo.
"Hindi, ok lang, Pinatawad na kita, matagal na, Tugon ni Bryan.
Tingnan mo, kung ok lang sayo, magsimula tayong muli?
"Pasensya na, Vannesa , ngunit may natutunan ako. Iyon ay hindi mo masisimulan ang susunod na kabanata ng iyong buhay kapag patuloy mong binabalikan ang iyong nakaraan.
Hey! babe; mahuhuli na tayo sa reception, Tayo na!
Isang magandang binibini na umagaw pansin sa kanilang pag uusap. Ang binibini na iyon ay ang forever ni Bryan.
"Napakaganda mo, at mahal na mahal kita.
"Mahal din kita, ako na ang pinakaswerteng babae sa buong mundo dahil natagpuan kita. Kaya naniniwala na ako sa forever.
Naiwan na lamang si Vannesa na puno ng pang hihinayang at pagsisisi sa ginawa nyang panloloko sa dating nobyo.
Ngaun ay ikakasal na ang kanyang dating nobyo habang sya ay nasa isang sulok luhaan at umiiyak. Sapagkat huli na ang lahat at wala na siyang magagawa pa. Kundi tanggapin ang katutuhanan na, hindi lahat ng sugatan ay tama ang ipinaglalaban. Na Ang dating kalawakan, ngaun ay lumalakad siya sa kawalan.